Totoo ang mga sinabi ko kay Alton na bigyan namin pagkakataon ang kung anong meron kaming dalawa at ‘yon nga ang ginawa namin. Sa loob ng dalawang linggo naging maayos naman ang pakikitungo namin sa isa’t-isa ni Alton pero hindi pa bumabalik sa dati ang lahat. Civil pa rin kami sa isa’t-isa and he is doing his best to please me, and I think it’s working for quite sometimes. “Mommy where is dad?” tanong ni Aiden sa akin ng makababa s’ya ng hagdan. Nandito kami ngayon sa bahay dahil wala akong pasok dahil linggo at pahinga ko na rin. Simula ng magkasama si Aiden at Alton hindi na sila halos mapaghiwalay na dalawa tulad na lang ngayon, kakagising lang ni Aiden at kesa batiin ako ay si Alton agad ang hinanap n’ya. Hindi rin kasi nagkita si Aiden at Alton kahapon dahil nagkaroon ata ng bigl