Akala ko makakatakas na ako at hindi ko na sila makikita pero ngayon hindi ko alam kung saan ako pupunta dahil nahanap na nila ako. Gusto kong tumakbo pero hindi ko magawa dahil wala na akong tatakbuhan. Hindi ko alam kung paano ako nahanap ni Dad pero hindi ko gusto ‘to. Alam ko na hindi titigil si daddy hanggang hindi n’ya ako naibabalik sa Maynila kasama n’ya. “Dad,” sambit ko ng lumapit s’ya sa akin. “The game is over Olivia, it’s time to go home” sabi n’ya sa akin. Hindi ako pwedeng sumama sa kanila. Kapag sumama ako hindi na ako makakabalik pa dito at ikukulong na lang nila ako sa bahay kapag sumama ako sa kanila. Kailangan ko ngayon si Alton pero wala dito si Alton. Nakauwi nga ako dito sa bahay pero sila naman ang naabutan kong sasalubong sa akin. Hindi ako pwedeng sumama kay D