Nakaupo kami ngayon ni mommy sa sofa dito sa living area. Wala sa usapan namin na isasama n’ya si Aiden kapag bumalik s’ya dito. Wala rin akong naaalala na pumayag ako sa gusto n’yang manatili kaming lahat dito sa Pilipinas. Kailangan naming bumalik ng Amerika ni Aiden, kung gusto nila ni Nikko na manatili dito hindi ko sila pipigilan pero ayokong pati kami ng anak ko ay magse-settle rin dito. Hindi pwedeng mangyari ‘yon. Hindi pwedeng manatili kami dito hanggang hindi nagbabayad ang mga taong nanakit sa amin, hanggang ngayon hindi pa natatapos ang problema ng pamilya ko. Hindi pa nagkakausap si mommy at daddy sa nangyari sa kanilang dalawa. Hindi pa kami nakakahanap ng ebidensya na magtuturo kay mommy Serenity na s’ya ang may pakana ng aksidente ni mommy. Magulo pa ang lahat para ipasok k