Ang daming tumatakbo sa isip ko ngayon at hindi ko alam kung anong uunahin ko lalo na sa sinabi ni Jaxon sa akin. Ngayon kaharap ko na naman si Alton at hindi ko mapigilan ang sarili ko na hindi lumapit sa kanya. Wala sa loob kong nasampal s’ya dahil sa nararamdaman ko ngayon. Hindi ko napigilan ang sarili ko na hindi ilabas ang galit ko na matagal ko ng kinikimkim sa kanya. Gusto ko ng tapusin ‘to ngayon at ng matahimik na ako. “Sige lang saktan mo lang ako Anastasia hanggang sa maging okay ka at makapag-usap tayong dalawa ng maayos,” sabi n’ya sa akin. “Alton ayoko na! sobrang sakit na dito!” sigaw ko sa kanya at umiyak ng umiyak hanggang sa niyakap n’ya ako. Wala akong lakas na kumawala sa yakap n’ya dahil nanghihina na ako. Kanina pa ako umiiyak at wala akong lakas para labanan