Napabuntong-hininga na lang ako at sumunod sa kanilang dalawa habang abala sila sa pagpili ng mga laruan. Habang sinusundan ko sila naisipan ko na rin na bumili ng ticket namin ni Nikko at ng mga nanny n’ya pabalik ng US. Kapag kasi may flight na kami wala ng atrasan ang pag alis namin saka hindi ko ‘to magagawa kapag nasa bahay ako at kung papasok na ako sa opisina dahil magiging busy na naman ako at baka lalong hindi ko ‘to magawa kaya hanggang hindi ako busy gagawin ko na ‘to ngayon. Nagsimula na akong bumili ng ticket namin at pinili ko ang hapon na flight para hindi mahirapan sa pag gising si Aiden sa maga. Nang makapagbook na ako ng flight namin hinarap ko na si Aiden at Nikko na mukhang patapos na rin sa pagbili ng mga laruan. “Let’s pay,” sabi ko sa kanilang dalawa. “Okay,” sago