Umiiyak na lumabas ako ng kwarto ko para kausapin si daddy. Hindi ko na kaya, ayoko na dito. Para na akong mababaliw sa mga nalaman ko. Papayag na ako sa gusto nilang mangyari ni abuela na isama ako sa US. Doon na lang ako, malayo sa kanilang lahat. Hindi ko kayang makisama sa mga taong naging dahilan ng paghihirap ko ngayon. Ayoko na rin makita si Alton o kahit na sino pang may kinalaman sa kanya. Pagkatapos ng mga nalaman ko ngayong araw na ‘to, malinaw na para sa akin ang lahat. Inilibot ko ang paningin ko buong bahay ng makababa ako, dito ako halos lumaki at dito ko rin naranasan lahat ng paghihirap ko hanggang ngayon. Dito sa bahay na ‘to wala akong naramdaman kungh hindi pagpapahirap, walang magmamahalan sa bahay na ‘to. Kahit minsan hindi ako naging masaya sa bahay na ‘to. Simul