Kabanata 77 - Alton Noah POV

1933 Words

Nang iwan ako ni tatay Isko dito ay hindi na ako bumalik sa loob ng bahay, hihintayin ko na lang na magising si Anastasia dahil gusto ko talaga s’yang makausap at ayoko naman na istorbohin s’ya sa pagtulog n’ya. Mamaya ay aalis kami papunta sa bayan dahil iyon ang gusto n’ya, wala naman talaga akong balak na umalis o pumunta sa kahit saan ngayon dahil may kailangan pa akong tapusin na trabaho na kailangan kong ipadala sa Maynila ngayon pero dahil nagyaya si Anastasia sa bayan ngayon ay sasama ako. Kung si Carissa lang ang nagyaya sa akin ay wala naman akong balak na sumama sa kanya pero pupunta rin kasi si Anastasia at Arron mamaya. Kung ako sana ang niyaya n’ya ay sasama rin naman ako sa kanya at hindi na n’ya kailangang yayain si Arron na sumama pa sa kanya dahil pwede naman kaming dalaw

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD