KAAGAD AKONG pumara at bumaba. Ang mga mata ko ay nakatuon pa rin kay Hendrix na ngayon ay naghihintay sa tapat ng elevator. Mas lalong lumakas ang kabog ng aking puso. I can hear it ringing in my ears. Nanlalamig na rin ang aking mga palad at pinagpawisan ito nang husto. “Miss, bayad mo.” Napaigtad ako nang marinig ang sinabi ng driver. Muntik ko nang matampal ang aking noo. Hindi pa nga pala ako nakapagbayad! Tangina! Mabilis kong kinuha ang aking pitaka at nagbayad. Nakita ko pa ang picture namin ni Fire. Natigilan ako at napatitig doon. Kung noon, nakikita ko ang mukha ni Hendrix, ngayon naman, nakikita ko na ang mukha ni Ayden. s**t naman, oh! Ang gulo! Naguguluhan na talaga ako! At ngayon, sasagutan ko ang mga katanungan na bumabagabag sa aking isipan.