TWENTY-FOUR "Doc? Doc, how's my wife?" tanong ko nang lumabas ang Doctor mula sa operating room. Nanginginig ang katawan ko sa takot habang naghihintay rito sa labas ng Operating room. "Hijo, we need to wait for 24 to 48 hour for the observation! Mananatili muna si George sa ICU habang 'di pa s'ya nagigising! Don't stop praying, hijo. Magiging okay rin ang asawa mo." Tinapik nito ang balikat ko."Mas mabuting ipahanda mo na ang kwarto n'ya at doon mo na lang s'ya hintayin magpahinga ka rin!" tumango ako dito at nagpasalamat. "Thanks, doc!" hindi pa rin nawala ang mabilis na t***k ng puso ko. Naninikip iyon sa labis na pag-aalala rito. Nang makaalis ito naupo ako sa upuan na nasa gilid lang ng O.R at napasabunot sa buhok. Sobra ang takot sa puso ko kanina habang kausap ko si George at