Ang Paraiso ni Irano Season 2 AiTenshi Aug 8, 2019 ****** Character List: Galfia- heneral ng Araknia Montu- heneral ng Iranya Rastus - heneral ng Sarangia ******* Part 48: Ang Luha ni Irano Natagpuan ko ang aking sarili na nakatalungko sa isang malaking bloke ng yelo sa harap ng malamig na tubig ng Antartica. Yakap ko ang aking sarili habang umiiyak, hindi ko maipaliwanag ang pinag halo halong sakit sa aking dibdib. Basta ang alam ko lang ay mabigat ang aking pakiramdam at halos madurog ang aking puso sa mga pangyayaring iyon. Ang aking dugo ay pumapatak sa maputing lupa, dumadaloy sa tubig hanggang sa kusang humalo at tuluyang mag laho. Pero hindi ang kirot na aking nararamdaman, nanatili ito at walang paraan para mawala. FLASH BACK “Irano, umalis kana. Bilisan mo.” ang si