Ang Paraiso ni Irano Season 2 AiTenshi July 29, 2019 Part 31: Cyan Sa pag papatuloy ng kwento ni kap.. “Nicolas, ito ay isang malaking tuklas ng science! Ang capsule na ito ay isang sasakyang nang galing sa kalawakan. Mataas ang magnetic force nito at nag lalaman ng mga kemikal na hindi matatagpuan sa ating mundo. Ang ilalim ng sasakyan ay punong puno ng mercury na ayon sa mga eksperto ay ginagamit sa pag lutang at pag papalipad ng isang bagay. Ito ang isa sa pinaka malapit at pinaka magilas na patunay na hindi tayo nag iisa sa kalawakan.” ang namamanghang wika ni Duran. “Sir, mayroon pang isang bagay dito sa gilid. Isang bolang metal na kakaiba ang anyo. Siguro ay parte ito ng sasakyan.” ang wika ng kasamahang doktor ni Duran kaya naman agad niya itong kinuha at parang asong ul