Ang Paraiso ni Irano AiTenshi July 26, 2019 “Sibat ng karagatan.” Ang sibat na iyon ay pag aari ni Prinsipe Malik, ibinigay iyon ng kanyang ama na si Neptune upang gamiting sandata at simbolo ng kanyang kapangyarihang mag hari sa buong karagatan. Noong bumalik si Prinsipe Malik sa kanyang lupain ng Apresia ay iniwan niya rito sa templong ito ang kanyang sibat. At iyon ang ginamit ni Lubai upang pag pantayin ang lupa at tubig sa planetang Iranya. Matapos ang mahabang misyon ni Lubai ay ibinalik niya dito sa templong ito ang sibat na pag aari ni Prinsipe Malik at dito na siya nanirahan kasama ang sinaunang sibilisasyon. Noong lumubog ang sibilisasyong ito ay kasama na rin sa nabaon sa limot ang makasaysayang sibat ni Prinsipe Malik na nakahimlay doon sa pinaka pusod ng karagatan.