Ang Paraiso ni Irano AiTenshi July 23, 2019 Part 23: Ang Museyo ni Duran 1 "Good morning." ang bungad ni Tibur dala ang kape at pandesal. Bumulaga sa akin ang kanyang matamis na ngiti noong buksan ko ang pintuan ng aming silid. Noong abutin ko ang tray ay napatingin siya sa kama at dito ay nakita niya si Cyan na natutulog, naka tihaya ito at himbing na himbing, halatang naka hubot hubad dahil ang tanging takip lang ay ang kumot sa kanyang pag lalaki, nakalabas pa ang singit nito. "Mukhang good talaga ang morning niyong dalawa. Hindi ako makapaniwala na maaga kang bumigay Irano, mabuntis ka sana para mawalan ka ng career!" ang maarteng wika ni Tibur sabay walk out. Narinig ko rin ang iyak nito na parang inaping bata habang bumababa ng hagdan. Natawa nalang ako at ginising si Cyan p