Ang Paraiso ni Irano AiTenshi July 16, 2019 Noong araw ding iyon ay nag desisyon akong umalis at makipag sapalaran sa Siyudad, baka sakaling naroon ang mga sagot sa aking katanungan, baka doon ko rin matagpuan ang kapayapaan ng aking dinurog na pag katao. Part 18: Bagong Kabanata REPORTER1: Ang trahedya nga ba na sinapit ng Isla Doyama ay nag kataon lang o baka naman ito ang hudyat ng nalalapit na katapusan? Ano ang susunod na hakbang ng mga taong nawalan ng kabuhayan? Muli ba silang babangon at lalaban o mag papadaig na lamang sa kanilang mga takot? Ako po si Mona Mae Lawit, nag uulat! REPORTER2: Walang ka kwenta kwenta yung report ni Mona Mae Lawit mga kaibigan. Ang tunay at mapag kakatiwalaang report ay nandito sa tabi ko. (Naubo) Excuse me po! Ngayon ay nasasaksihan natin ang