Ang Paraiso ni Irano Season 2 AiTenshi Aug 17, 2019 Umangat ito sa tubig at biglang nag labas ng malakas na sigaw! Isang nakaka kilabot na tinig dahilan para lalong umalon ng malakas at sa lakas ng pwersa nito ay itinulak ko palayo sa aking kinatatayuan na parang isang laruan.. "Ito si Leviathan, ang demonyo ng Karagatan!" ang sigaw ni Braun. Part 68: Ang Diwata ng Karagatan Tuluyang umangat ang higante sa tubig, ibinukas niya ang kanyang bibig at bumuga ng kulay itim na enerhiya. Sumibat ito patungo sa akin! Kaya naman ginamit ko ang aking sibat at gumawa ako ng higanteng taong tubig. Anim na higante ang aking ginawa upang sila ang humarap kay Leviathan. Ngunit hindi pa sila nakakalapit ay bumuga muli ito ng itim na enerhiya at ang aking mga higante ay naging matigas na kris