Ang Paraiso ni Irano AiTenshi July 14, 2019 Part 16: Portal "Tulungan niyo kami! Tulong!" ang sigaw ng mga tao habang nag kakandarapa sa pag takbo. Puno ng panaghoy at takot ang kanilang tinig. "Lahat kayo, umakyat sa mataas na lugar! Humanap kayo ng matibay na makakapitan! Iwasan ang mga poste ng kuryente!" ang sigaw ni Kapitan. Isang malakas na dagundong ang aming narinig kasabay nito ang pag salpok ng rumaragsang tubig sa aming kinalalagyan. Kumapit kami ni Cyan, kap at Tibur sa haligi ng aming bahay upang hindi matangay sa lakas ng pwersa ng alon. Nasira ang bahay ni Kap at pati ang maliit kubo sa paligid at parang papel na tinangay. Madilim ang paligid at tanging liwanag lamang sa sumbrerong may flashlight ni Kap ang aming tanglaw. Tuloy pa rin ang malakas na pag yanig, sig