Ang Paraiso ni Irano AiTenshi July 9, 2019 “Maayos naman po Kap, mabait si Cyan at malalim na tao, may pagkamayabang ngunit natural nalang siguro iyon sa kanya. Sa ngayon ay maayos naman po ang aming samahan.” “Mabuti naman kung ganoon, sana ay hindi mag bago ang iyong pakikitungo sa kanya. Sana ay huwag kang aalis sa kanyang tabi kahit na anong mangyari. Ipangako mo sa akin iyon Irano.” ang seryosong salita ni Kap. “Hindi ko po maunawaan ang nais niyong ipabatid, pero nangangako ako na hindi aalis sa tabi ni Cyan.” ang sagot habang naka tingin ng tuwid sa kanyang mata. “Salamat sa iyo.. Irano.” tugon niya habang nag tatama ang aming mga tingin. Part 12: Taguan "Nasaan si Cyan?" ang tanong ko noong umupo sa mesa para sa almusal. "Wala siya, nag ttraining, nag papa pogi, nag papa