Ang Paraiso ni Irano Season 2 AiTenshi Aug 11, 2019 Part 55: Ngiti ng Pamamaalam Noong imulat ko ang aking mga mata ay natagpuan ko ang aking sarili na naka higa sa aking silid. Puro bundahe ang aking katawan at ganun rin sa aking noo. Panandalian akong nawalan ng ulirat habang natutulog ngunit noong bumalik ang aking malay ay bumalik rin ang hindi maipaliwanag na sakit at kirot ng aking dibdib dulot sa pag kawala isang espesyal na kaibigan at kapamilya. Nanatili ako sa aking silid noong mga sandaling ito. Naka balukot ako na animo fetus habang naka tagilid patalikod sa pinto. Wala akong gana at tila nag tampo na ako sa mundo dahil sa pag kawala ng mga taong mahalaga sa buhay ko. Tahimik.. Alas 4 ng hapon, pumasok si Tibur sa aking silid. Pero nanatili akong nakatagilid at naka