Ang Paraiso ni Irano Season 2 AiTenshi Aug 12, 2019 Part 57: Bakas ng Kahapon Ang gusaling ito ay kulungan ng mga nag kasala sa sibilisasyon Antartica. Ito ay mayroong 35 na palapag at ang bawat palapag nito ay mayroong mga naka kulong na mga nilalang. Ang ilan sa kanila ay mga taga ibang planeta na nag tangkang guluhin ang aming sibilisasyon. Ang iba naman ay nag karoon ng pag kakasala sa pamamagitan ng pag labag sa batas. Ang palapag kinalalagyan ng bawat preso ay depende sa bigat ng kanilang kasalanan. Dito sa unang palapag ay ang mga pinarurusahang nilalang lamang na lumabag sa batas. Sila ay posibleng makalaya makalipas isang taon o higit pa. Ang mga presong naka kulong sa ika 10 palapag ay mga bandido at mga pirata sa kalawakan, mga dating armado ng mga mapanganib na sanda