NAKUYOM ni Sanya ang mga kamay nang makita mismo ng mga mata niya na masayang nagtatawan ang kanyang ina at ang lalaking pinili nito keysa kanila ng kanyang ama. Masakit malaman na mayroong ibang lalaking mahal ang kanyang ina, pero higit pa lang masakit kapag mismong mata mo na ang nakakita sa katotohanan. Kusang pumatak ang mga luha niya habang nakatitig pa rin sa tatlo na masayang pinagsasaluhan ang pagkain na siguradong niluto ng kanyang ina. "Mama, ang sarap po ng niluto mo!" buong galak na sabi ng batang lalaki. Tama nga ang kasambahay nila na tumawag sa kanya na kamukha nga ito ng lalaki. Hinaplos naman ng kanyang ina ang buhok ng bata . "Kumain ka ng marami ha? Para sa inyo talaga mga niluto ko." Nakita niya ang paghawak ni Alfred sa kamay ng kanyang ina na nasa ibabaw ng lame