Klea’s PoV LIMANG taon na akong nanahimik at panahon na para magsalita ako. Dalawang taon na akong nakabalik at hindi pa rin ako binigyan ng pagkakataon ni Trex na makabalik sa buhay nito. At hindi na ako papayag na maging sunod-sunuran na lang sa gusto ni Tito Sixto upang pangalagaan ko ang pangalan ng pamilya nito at ilayo sa matinding kahihiyan. Tinawag ko ang Yaya ni Leanne na si Carmelle para ibigay muna rito ang anak ko. Nakaupo ito sa gilid at naghihintay ng iuutos ko. Sa ospina kami ni Tito Sixto pupunta at nasa likod iyon ng bahay ni Trex. Nagpunta na ako rito noong isang araw upang formal na ipakilala sa mga ito ang kanilang apo. Nauna sa paglalakad si Trex na kasunod ni Tito Sixto. Nasa loob na ng opisina ang mga ito nang pumasok ako at isinara ang pinto. “Pag-usapan natin a

