Angelo‘s PoV “Kanina pa ring nang ring ang cellphone mo, babe!” naiinis at naiiritang sabi ni Jaya sa akin. Kasama ko siya ngayon papuntang Cebu para magbakasyon sa probinsya nito. Hindi totoo na sa Zambales ako pupunta para magpatayo ng negosyo. At ang business partner na sinasabi ko ay ang pinsan ni Jaya na si Lukan. Si Lukan ang may-ari ng motorshop sa Zambales, pinakiusapan ko lang siya na kapag nabanggit ako ni Tito Trex ay pagtakpan na lamang niya ako. Binigyan ko siya ng pera kapalit ng pagsunod nito sa gusto ko. Si Malaikah ang tumawag at text nang text sa akin. Sinasabi nito ang nangyayari ngayon sa office. Ikinukuwento nito sa kanya ang ginagawa nito at ang product proposal na ginawa nito kasama ni Nate. Masasabi ko na talagang loyal sa akin si Malaikah. Bigla akong nakonsens

