Trex's PoV NAKATINGIN lang sa akin si Malaikah habang patungo ako sa kabilang side ng kama at magsuot ng boxer. “Saan mo nakuha ang idea na gusto mong gumamit ng pills?” Yumuko ito at nagtakip ng kumot sa bibig. “Kay Gwen…” Ang matalik na kaibigan nito na kasama nito sa bar. “Gwen… iyong may nobyo na AFAM?” muli kong tanong at umupo sa may gilid ng kama bago tuluyang tumabi rito. “Mali ba iyong sinabi ko?” namamaos na tanong ni Malaikah na nakatakip pa rin ang bibig habang nakatingin sa akin. Nginitian ko lang ito at saka ako humiga. Inunan ko ang aking braso at tumingin sa kisame. “Gusto mo bang gumamit no’n? Marunong ka ba? Kapag nagkamali ka sigurado ako na magkakaroon na kaagad tayo ng baby.” Hindi ito kaagad na nakaimik. Twenty three years old pa lang ito at ayoko itong i-pr

