Trex's PoV IMBES na kumain sa canteen ay minabuti na namin ni Malaikah na dumiretso sa bahay ng tiyahin nito na taga-Camiling. Huminto kami sa Surgui 3rd at itinuro nito ang isang bahay na may dalawang palapag. Luma na ang bahay at mukhang noong sinaunang panahon pa nakatayo. May maliit na talipapa ito sa ibaba na nahati sa dalawa. Canteen ang nasa kanan na nasa twenty na katao lang ang kakasya. Ipinagilid ko ang aking sasakyan sa gilid ng kalsada at pinagbuksan ng pinto si Malaikah. Pagkababa ko pa lamang ng sasakyan nakatingin na ang mga taong bumibili sa talipapa at ang mga kumakain sa canteen. Akala siguro ng mga ito Isa akong artista. “Aika!” tili ng isang bading na sumalubong dito. Nakasuot ito ng pink na crop top at dolphin shorty na kulay blue. Putøk na putøk ang blush on. “Art

