Trex's PoV NANDITO ako sa loob ng aking opisina at inaayos ang lahat ng files na kailangan kong dalhin para i-finalize ang wedding plan ni Governor Santillan. Kailangan kong ipakita rito na hindi ito nagkamali sa pagpili sa amin bidang wedding planner at event organizer nito sa darating na kasal ng nag-iisa nitong anak. Bumukas ang pinto sa aking opisina. Napangiti ako dahil si Malaikah ang nasa isip ko. “Yes, sweetheart?” nakangiting sabi ko pa nang hindi ito nililingon. Nang hindi ito magsalita ay tumingin ako rito. Nagulat na lang ako na si Klea ang naroon sa loob ng opisina ko. Hapit na hapit ang suot na red dress at sumisilip ang mga malulusog nitong hinaharap. “Maganda ba ako sa paningin mo, Trex? Like the olds days?” nakangiting tanong pa nito sa akin na lumapit sa kinatatayuan

