Malaikah's PoV KASALUKUYAN akong kumakain ng chocolate na regalo sa akin noong valentine's day nang magbukas ang pinto sa office ko. Nakakagat ako ng tobleron nang lumingon ako sa may pinto. Nakasandal sa amba ng pintuan si Uncle Trex na seryosong-seryoso ang mukha. “Yes, sir?” tanong ko bago kagatin ang chocolate at itinabi iyon sa gilid ng aking bibig. “Nasaan iyong mga files na kailangan ko na ibinigay sa iyo ng admin?” seryosong tanong nito sa akin. Hinanap ko iyon sa lamesa ko at nahulog pa ang isang box ng chocolate dahil sa pagkataranta ko. “Nakalimutan mo ba dahil sa mga chocolates na nasa harapan mo?” seryoso pa ring tanong nito sa akin na may bahid ng inis sa boses. Napangisi na lamang ako at mukhang nagseselos pa nga ito. “Eh, sayang, e.” Dinampot ko ang files na hinaha

