Chapter Four

1059 Words
HININTAY muna ni Zee na maka labas ng kwarto si Stone bago niya iminulat ang mga mata. Pero ang huling sinabi nito ay tumatak sa isipian niya. Then let's play, Huntress. Can't wait to hear your voice begging for me. Naikuyom niya ang kamao. Gusto nito maglaro? Sige pagbibigyan niya ito sa larong gusto nito. Pero gagawin niya ang lahat para hindi matalo sa laro at hindi siya magpapahulog sa patibong na inihanda nito. Kailangan niyang makaisip ng plano kung papaano siya makikipagsabayan rito. Naisip niya ang ginawa nito noong unang gabing hawak siya nito. Maaari niyang gamitin ang katawan niya laban rito para mabuhay. Ayaw man niya itong gawin, pero sa tingin niya ito ang huli niyang alas. Nangiwi siya nang kumirot ang likuran niya nang sinubukan niyang tumayo. Pero kahit nananakit ang katawan niya ay pinilit niyang bumangon at isinandal ang likuran sa headboard ng kama. Hindi din niya maalis sa isip ang sinabi nito na ang may-ari ng baril na gamit niya ang siyang pumatay sa mag-ina nito. Alam niyang ama niya ang tinutukoy nito, dahil ang ama niya ang nag-iisang nag mamayari ng sniper na iyon. Pero imposible, hindi magagawa ng ama niya ang pumatay ng isng inosenteng bata, kahit pa na isa itong Lycan. Mula nang araw na iyon ay hinahatidan lang siya ng pagkain ng kasambahay. Sa tuwing tinatanong niya ito kung nasaan si Stone ang lagi lang nitong sagot ay 'hindi ko alam o bawal ako magbigay ng inpormasyon.' Bumangon siya mula sa kama at sumilip sa pinaka malapit na bintana. Tulad ng naunang araw ay wala din katao-tao sa paligid. Dumiretso siya sa banyo para maligo at lumabas siya ng banyo tanging tuwalya lang ang tumatabing sa kanyang katawan. Natigilan siya nang madatna doon si Stone. Naka upo ito sa gilid ng kama at halatang hinihintay siyang lumabas. Tumayo ito kuway walang emosyon ang mga matang tumingin sa kanya. "How's your back?" He asked as if there's nothing happened. Ilang araw ba niya itong hindi nakita? Isang lingo? Bakit pakiramdam niya higit itong gumuwapo? "M-mabuti na." Nauutal niyang sagot. "Good to hear." Tumango-tango ito. "Dinalhan kita ng damit. Magbihis ka, may pupuntahan tayo. Hihintayin kita sa ibaba." Anito pagkuway ay lumabas na ng kwarto. Tiningnan niya ang laman ng paper bag, isa iyong simpleng halterneck dress na bulaklakin ang design. Tumaas ang isa niyang kilay. Ito kaya ang pumili nito? Sa loob ng paper bag ay kasama na din doon ang iba pa niyang kailangan tulad ng underwear at bra, kaya hindi niya maiwasang pamulahan ng muka. Kibit balikat na nagbihis siya. Saglit siyang nagsulkay bago lumabas ng kwarto. Naabutan niya si Stone sa sala na may kausap na isang lalaki. Sabay na tumingin ang dalawa sa kanya nang maglikha ng ingay ang pagbaba niya sa hagdanan. "Sumunod ka." Puno ng otoridad na utos ni Stone sa kanya. Tumingin muna siya sa lalaking kausap nito bago sumunod na rito. Isang hummer jeep ang naghihintay sa kanila. Binuksan ni Stone ang pintuan ng shotgun seat at sinenyasan siyang sumakay na agad din naman niyang sinunod. Saan naman kaya siya nito dadlhin? "Magkita nalang tayo sa headquarters." Narinig pa niyang sabi ni Stone sa lalaki bago umikot at sumakay sa driver's seat. Gusto niya sanang itanong kung saan sila pupunta pero minabuti nalang niya ang manahimik. Ilang minuto lang ang binilang niya bago sila huminto sa tapat ng simentadong bahay. Ito ba ang headquarters na sinasabi nito? "Baba." Anito bago bumaba at hindi na siya pinagbuksan pa ng pinto. Antipatiko! Inis na bumaba siya at agad na sumunod rito. Nagtinginan sa kanya ang ibang lalaking nandoon na abala sa kanilang ginagawa. "Stop staring." Maawtoridad na utos ni Stone. Napapiksi siya nang akbayan siya nito at iginiya papasok sa loob ng pack house. Dumaan sila sa pasilyo. Ang daan na malaki ay paliit ng paliit habang tumatagal at sa pinakadulo ay nandoon ang hagdanan pababa. Ito na ba ang tinatawag nilang underground cell? Ikukulong na ba siya nito rito? Tanong niya sa sariliKung hindi lang siya nito iginigiya ay hindi niya maihahakbang ang mga paa. Nang marating na nila ang ibaba ay tanging torch nalang ang nagbibigay liwanag sa paligid. Kahit may kadiliman ay kita niya ang rehas sa magkabilang parte. Mayroong mga naka kulong doon at kita din niya ang ibang Lycan na pinaparusahan Huminto sila sa pinakadulo na rehas at humarap doon. Nanlaki ang mga mata niya nang makita ang iilan niyang kasamahan sa Hunter Academy. Gulat na tumingin ang mga ito sa kanya na may galit sa mga mata. "Akala namin patay ka? Kaya kami pinasunod para paghigantihan kayo. Pero ano ito? Buhay ka pa? Huwag mong sabihin na ipinagkalulo mo kami sa mga halimaw na iyan!" Sigaw ni Analyn sa kanya. Isa sa kasamahan niyang babae. Marahan siyang umiling. Pero bago pa siya makapagsalita ay pinangunahan siya ni Stone. "Yeah, she's my woman now. Ginamit niya ang sarili niya kapalit ng buhay niya. Isa na doon ang ipagkalulo kayo." Anito na mariing pinisil ang balikat niya na alam niyang isa 'yong banta. Mariin nalang niyang kinuyom ang kamao habang tiim ang kanyang mga bagang. "Hayop ka!" Tumakbo si Analyn palapit s kanya at pilit siyang inaabot sa pagitan ng mga rehas. "Pinagkatiwalaan ka namin Zee, pero hindi namin akalain na ikaw pa pala ang magkakalulo sa amin. Hayop ka!" Sigaw ulit nito. Pero imbis na pairalin niya ang kahinaan ng puso para sa mga kasamahan ay sinakyan niya ang gusto ni Stone. Alam niya na ito ang gusto nito at alam niya na ito na ang larong sinasabi nito. Pinigilan niya ang pagpatak ng mga luha at sinalubong ang masasamang tingin ng mga kasamahan. "That's life Ana." Aniya na naka kuyom pa din ang mga kamao. "Stop the drama." Inis na singit ni Stone. "Zee, isa ba sa kanila ang nagmamay-ari ng sniper gun?" Tanong nito dahilan ng bigla niyang pagtingin rito. Malamig ang mga mata nito na tumingin sa kanya. "Don't lie to me. Isa ba sa kanila?" Muling tanong nito. Syempre hindi. Wala sa kanila. Marahan siyang umiling. "W-wala sa kanila." Sandali itong tumitig sa kanya na tinatantiya kung nagsasabi ba siya ng totoo. "Ok. Let's go." Anito na giniya na siya palabas. Nilingon niya ang kasamahan at binigyan niya ito ng pagpapatawad na tingin. Gagawin niya ng makakaya niya para mailabas ng nga kasamahan mula sa pagkakakulong.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD