GRAESON’S POV MASYADO nang natatagalan para sa akin si Athena sa banyo kaya nakaramdam ako nang pag-aalala. Hindi biro ang dinanas ng asawa ko nitong mga nagdaang mga taon kaya hindi ako nakakampante na matagal siyang wala sa paningin ko. Nasa ibang bansa pa kami kaya dapat lang na mag-alala ako. Tumayo ako at sinundan ko ang singnage kung saan naroon ang banyo. Natigilan ako nang makita ang asawa na may kausap na lalaki. Nakangiti sila sa isa’t-isa kaya selos ang naramdaman ko. Mabilis ang mga hakbang ko na lumapit sa kanila at kinuha ang kamay ni Athena at hinila siya palabas. Kita kong lumingon pa siya at ngumiti. Hindi ko na alam kung sino ang nginingitian niya pero matindi na ang selos na naramdaman ko. Tutal naman bayad na ang aming kinain, sa labas kami dumiretso. “Graeson! Ano