ATHENA'S POV MATAGAL kong tinitigan ang kaharap. Kinurot ko rin ang aking pisngi dahil baka nanaginip ako. Pero nasaktan ako. Totoo at nandito ako sa sitwasyong ito. Nandito ako sa sitwasyong hindi ko gusto. "U-ulitin mo nga ang sinabi mo, G." Gusto kong ipaulit dahil baka nabingi lang ako. Na baka nagbibiro lang siya. Pero– “You heard it right, hon. I-I’m Graeson.” Muling umawang ang labi ko sa sinabi niya. Kinompirma niya! Hindi ako nabingi kanina at hindi rin siya nagbibiro! “B-bakit, Grae? B-bakit ngayon mo lang sinabi sa akin? Bakit? Huh?” “I’m sorry, hon. Natakot–” “‘Wag na ‘wag mo akong matawag na hon dahil matagal ko nang binaon si isipan ko si Graeson!” Tumayo ako at tinuro ang pintuan. “Hindi ka dapat nandito, Grae. Umuwi ka na. Hindi kita kailangan sa buhay ko– namin ni A