ATHENA'S POV "ARE you okay, hon?" nag-aalalang tanong ni Grae nang makasalubong ko sa labas malapit sa CR. "O-okay lang ako. Nanggigil lang ako sa insektong kumagat sa akin. Sarap tirisin." "Iw." Ngumiwi pa ang nobyo. "Naghugas naman ako ng maayos," ani ko nang makita ang itsura niya na parang diring-diri sa insektong sinabi ko. Si Chamae lang naman ang tinutukoy ko ng mga sandaling iyon. "Good. Kaen ka na tayo." Tumango ako kay Grae. Nilingon ko ang banyo kapagkuwan. Buti hindi pa lumalabas si Chamae. Hinila ko si Grae pabalik sa upuan namin. Nagpatianod naman siya kaya hindi ako nahirapan. Seafood pasta ang pinili kong kainan. Iyon lang ang nagustuhan kong amoy sa mga inorder ni Grae. Tinutulak ko ang tahong kay Grae na kaagad niyang nahulaan. “Ang sarap kaya nito, hon.” “Oo