College life, simula nang tumuntong na ako sa kolehiyo marami nang nagbago sa akin lalo na sa itsura ko, ‘yong dati kong buhok na mahaba na hindi masyadong nasusuklayan maigsi na at umaabot hanggang balikat na sinamahan pa ng bangs, kaya mukha akong dora.
Wala na akong suot na salamin pero malabo pa rin ang mata ko, contact lens na lang at maayos na ako magporma, sumasabay na ako sa uso pero ‘yong alam kong bagay sa akin, may kaibigan na rin ako, si Yashlyn, binago ko na ang lahat sa akin, iniwan ko na ‘yong nerd na Cyrel na madalas na ma-bully noong high school para hindi maulit sa college ang ga’nun kong buhay, baka malay natin diba.
Nagkalat sa Westwood College ang mga estudyante, may ilang naghahanap ng schedule nila sa admin, meron namang nakikikumusta sa mga ka-block mate nila, nagbukas na kasi ng second semester, dito ako nag-aaral sa kursong ABM tourism management, second year college na ako, exciting kasi makikita ko na si Yash.
Paano ko nga ba nakilala ang nag-iisa kong best friend? Well, noong 1st year lang naman noong maging ka-block mate ko siya, sa una naiilang ako kasi katabi ko siya pero siya ‘yong unang nag-approach nakakahiya naman kong hindi ko papansinin, hanggang sa napapansin kong pareho kami ng gusto at madalas na kaming sabay sa mga oras.
‘Yon nga lang sa tingin ko mas maganda siya sa akin, kilala rin siya rito sa school simula pa lang dahil kasali siya sa dance troop, tawag nga sa kanya dancing queen ng Westwood College.
Dahil doon sinabi ko lahat ng mga naranasan ko noong high school and the feeling is mutual galit din siya sa L7, hindi ko alam kong bakit pero sa school nila rinig na niya ang pangalan na ‘yon, mag-best friend nga kami ang pagkakaiba lang, hindi niya naranasan ang wrath ng isa sa mga L7. Pero biruin mo ‘yon sikat pala sila sa ibang school.
Pasulyap-sulyap ako sa mga estudyanteng nasa paligid ko, hinahanap ko si Yash ang sabi niya narito na siya pero sa dami ng tao ngayon na nagkalat sa campus, hindi ko siya madaling makikita, ilang beses ko rin siyang tinignan ang text niya sa cellphone ko, "na saan ka na ba?" Bulong ko.
Muli akong pumasok sa loob ng building namin, nagkalat din ang mga estudyante dito, nanggigitgit na nga ang iba edi makigitgit na rin ako, nakatingin kasi ako sa unahan, pero para bang magic na nagsihawian ang mga tao sa paligid, dahil nasa gilid lang ako hindi ko na kailangan gumilid, mula sa pagkakahawi ng mga tao, may pitong estudyante ang akala mo rumarampa sa catwalk kong makapaglakad sa gitna, katulad ko titig na titig din ako sa kanila.
May ilang namamangha at nagbubulungan sa pagdating nila, ako titig na titig lang sa bawat mukha nila, teka parang pamilyar sila sa akin, 'yong anim na lalaki at ang nag-iisa nilang babaeng kasama, pamilyar sila sa akin, papalapit na sila nang maalala kong sino sila, si Fraynard na nasa unahan, si Kent, Elven, Corz, Jojan, Kelly at Adam, ang grupo ng L7.
Ang daming nagbago sa kanila, lalo na sa itsura parang artistahin ang mga pagmumukha at parang model nga. Pero teka lang, anong ginagawa nila rito? Hindi kaya namamalikmata lang ako o kaya nasa isa akong panaginip, biglang sumagi sa aking isipan ang nangyari noong high school dahil sa kanila lalo na kay Fraynard.
Natapat sila sa akin, bumaling ng tingin sa akin si Fraynard, na andoon pa rin 'yong fearless na titig niya pero agad ding nabawi 'yon hanggang sa makaalis na sila, natulala ako sa kinatatayuan ko, gugunaw na ba ang mundo kaya 'to nangyayari? Sana si Fraynard ang unang kunin.
Nawala ako sa pag-iisip nang may yumakap sa braso ko nang sulyapan ko kong sino si Yash lang pala, parang nakikita ko 'yong ekspresyon ng mukha ko sa kanya.
"Nakita mo ba sila?" Tanong niya sa akin habang hinihigit niya ang braso ko.
"Oo, wag mong sabihin na tama ako ng nakita at sila ngayon? Sabihin mo mali 'yon," sabi ko sa kanya.
"Sorry bes but totoo sila, ang L7 na andito sa Westwood College, hindi ka namamalikmata," sigaw niya na para bang gugunaw na ang mundo, sa tingin ko mas oa pa ang bestfriend ko sa akin.
Hinatak na lang niya ako sa loob ng canteen kong saan kami malapit, pinaupo niya ako sa lamesang pinuntahan namin at siya naman sa harap ko, nilapag niya ng padabog ang bag niya sa lamesa.
Napangiwi ako sa ginawa niya, "anong nangyayari sayo?"
Tumaas ang isang kilay niya at bumuntong hininga, "hindi talaga ako makapaniwala na gagawin niya 'yon, alam mo ba na lumipat sila rito dahil kay Jojan Alegre, lumipat kasi 'yong lalaking 'yon dito kaya para bang magkakarugtong na 'yong mga ugat at buhay nila, aba sumama pa ang buong L7."
"Teka lang bakit mo alam ang dahilan?" Pagtataka ko sa kanya.
Humarap siya sa akin at umayo ng umupo, "syempre narinig ko sa mga estudyante kanina pagkapasok ko pa lang dito."
Aba ang lakas talaga radar ni Yash pagdating sa mga chismis, "saan ka ba nang galing kanina pa kita hinahanap?"
Ngumuso siya na parang bata, "sorry naman bes, nagtago ako nang malaman kong na andito na ang L7."
"Bakit ka naman magtatago sa mga 'yon? Alam mo kong ano ang pinagdaanan mo sa kanila, wag mo nang intindihin 'yon, baka naman nakalimutan na nila 'yon, hindi naman siguro sila matandaan sa mukha diba," paliwanag ko sa kanya na agad naman niyang sinang-ayunan.
Nilabas na lang namin 'yong sched namin tapos pinaghalintulad namin, halos pareho na naman maliban sa isang subject na hindi kami magka-block mate, ayos lang naman sa amin, nangyayari talaga ang ganitong bagay.
Naalala ko 'yong dahilan na sinabi sa akin ni Yash kong bakit narito ang L7, ganito ba talaga silang magkakaibigan, kong na saan ang isa naroon din sila parang one for all, all for one ang peg, si Fraynard gwapo pa rin naman siya naging binata na siya ngayon pero sa tingin ko mabaho pa rin ugali niya.
Dahil alam namin na orientation pa lang ito ng mga subjects namin ngayong second sem sa bawat prof wala naman kaming magagawa kong di ang pumasok kahit na boring ang unang araw, pumunta na lang kami sa unang subject namin ni Yash, katulad sa WA ang arrange chair dito sa WC eh pataas na parang sa sinehan, na andoin kami sa pinakalas sa fifth row.
Nagdadaldalan lang kami ni Yash na kesyo baka raw maaga siyang umuwi pagkatapos ng klase dahil may kailangan siyang asikasuhin, parami na ng parami ang mga nagiging tao sa loob, may ilang pamilyar ang mukha may iba namang bago sa amin.
"Alam mo---" biglang natigil si Yash sa pagsasalita at nakatitig lang siya sa isang direksyon, nagtaka ako kasi bigla siyang nainis.
"Galit ka ba Yash?" Tanong ko sa kanya, alam mo na topakin kasi 'tong kaibigan ko.
Ngumuso siya na parang may tinuturo, sinundan ko kong saan 'yon, sa may pintuan kong saan papasok pa lang si Jojan na naghahanap ng upuan, kaya pala galit na galit siya? Ibig sabihin magiging block mate namin ang isa sa mga L7 ayos lang wag lang si Fraynard.
Umupo siya sa may second row malapit sa pintuan, aayos sana ako ng upo nang sunod naman na pumasok si Kelly at Adam. Napakunot noo ako, so pati sila block mate rin namin. Pero mas hindi ko kinaya ang sunod na mga pumasok, sunod-sunod sila, si Elven at Kent na nakikipagbiruan pa kay Corz na tumabi rin sa na una nilang kaibigan na pumasok.
Napapikit na lang ako at nagdarasal na sana namamalikmata lang ako, hindi ko naman siguro classmate si Fraynard diba, 'yong anim lang ayos na, nang dahan-dahan kong dinilat ang mga mata ko, wala na, tapos na uwian na, kasi ang pinakaiinisan ko sa buong mundo pumasok sa room namin.
Kasunod na pumasok ang magiging prof namin sa subject na 'to, hindi man lang sila tumayo o baka nagkamali man lang ng pasok, wag nilang sabihin na dito talaga sila. Nag-umpisa na 'yong prof namin, kinuha 'yong mga class card at kaunting introduction sa subject nang biglang bumulong si Yash sa tabi ko.
"Alam mo bang magkakapareho rin sila ng course, business management, baka malay mo dito lang natin sila block mate tapos sa iba, hindi, wag kang mag-alala sabi mo nga hindi nila tayo makikilala," sabay tap ni Yash sa balikat ko, sinulyapan ko uli siya na mahigpit ang pagkakakapit sa ballpen niya na para bang gusto niyang sirain.
"I feell you dude," sabay tap ko rin sa balikat niya at ginagaya pa ang boses niya nang sabihan niya ako, the feeling is mutual nga eh galit kami sa L7.