Kabanata 3

2456 Words
"Sinabi niya lahat 'yun?!" Nanlalalaki ang mga matang tanong sa akin ni Elle. I told her everything. Best friend ko siya kaya may karapatan siyang malaman. At isa pa, hindi ko naman kayang isekreto iyon. Sasabihin at sasabihin ko pa rin naman sa kaniya ang mga sinabi ni Sir Brick, masama man o mabuti. "Oo, ang sakit, tagos sa puso ang mga sinabi niya. Parang mga punyal iyon na tumarak sa dibdib ko. Pero alam mo ba ang nakakainis?! Nawala na parang bula ang galit at sakit na nararamdaman ko sa kaniya. Ano ba ang tawag doon?" Kunot ang noong sabi ko kay Elle. Umikot ang mata niya habang sumisipsip sa milkshake na napapangalahati na niyang inumin. Magkasama kami ngayon sa cafeteria. Walang klase dahil bukas na ang Sports Festival. Pagkatapos naman ng Sport Festival ay exam. Huling exam namin, bago kami mag-thesis. And then, ang pinakahihintay ng lahat, graduation. Akalain mo 'yun, makakagraduate ako?! "Tanga ka." Bigla akong napaubo sa sinabi ni Elle. "Aray naman, diretsahan talaga?" Sabi kong nakalapat ang kamay sa dibdib na parang nasaktan talaga. "Totoo naman. Ang sasakit nung mga sinabi niya sayo, tapos ikaw nakuha mo pang ngumiti dahil lang sa inihatid ka sa bahay niyo." "Pero sana naman hinay-hinay ang pagsasabi, 'di ba?" Nakasimangot kong sagot. "Cass, I'm just telling you the truth. Professor siya, mas importante sa kaniya ang kaniyang propesiyon kaysa sa mga bagay na patungkol sa pag-ibig." Pangaral na naman sa akin ni Elle. Kailan ba siya magsasawa sa kakapangaral sa akin? Dahil gaya nga ng sabi ko, hindi naman ako nakikinig. "And what if may girlfriend na pala si Sir Brick? At 'yung pagkakakita niyo sa bar ay dahil lamang sa napadaan siya at naalala niyang may usapan kayo? Cassidy, gaya ng paulit-ulit kong sinasabi sa iyo. Masasaktan ka lang kapag umasa ka nang umasa." Nakakainis naman itong si Elle. Bakit ba hindi na lamang niya ako suportahan? "Hi girls! Mukhang seryoso ang pinag-uusapan niyo ah." Bigla kaming napatingin ni Elle sa bagong dating na si Sir Indigo. Abot hanggang tainga ang ngiti nito habang papaupo sa katabing upuan ni Elle. Ayaw ko mang mag-isip ng ibang bagay, pero bakit parang may makapal na pader sa pagitan nilang dalawa kahit na magkatabi sila? "Ahm, may bibilhin-." "Hey Brick! Dito ka na, may bakante pa sa tabi ni Cassidy." What?! Ano bang ginagawa nitong si Sir Indigo?! "Ah ano, may bibilhin pa nga pala ako." Mabilis kong sabi sabay tayo. Aalis na sana ako nang makita ko ang pagtutol ni Elle. Bakit? May problema ba? "Can I come with you?" Nakangiwing tanong sa akin ni Elle. Ano bang problema niya? "Bakit? Ayaw mo bang maiwan rito kasama ako?" Nalipat ang aking tingin kay Sir Indigo na ngayon ay nakaigting ang mga panga habang nakatingin sa platong nasa kaniyang harapan. Sandali, may problema ba silang dalawa? May nangyayari o nangyari bang hindi ko alam? Napansin ko ang pag-upo ng tuwid ni Sir Brick. Sumandal siya sa upuan at ngumiti na parang nanunuod ng pelikula. "You already know the answer." Malamig na sagot ni Elle. Okay, there's something wrong between them. Bakit walang sinasabi sa akin si Elle?! "It's been three years since-." "Since you left me. Sa tingin mo madali lang sa aking patawarin ka Sir Indigo?" Napaanggat ang kilay ko dahil sa pinag-uusapan nila. "Sir? You used to call me-." "Babe? I realized na nakakadiri pala." Nanlaki ng mga mata ko sa sinabi ni Elle. Wait! Naguguluhan na ako! Hindi ko masabayan ang pinag-uusapan nila! At teka, hindi ba sinabi sa akin ni Elle na against the law kapag nakaroon ng relationship sa aming Professor?! Eh ano itong mga naririnig ko? "Dammit! You've really changed a lot. Where's the sweet Elle that I used to play when we were in-." "I need to go. Nakakaasiwa ang makasama ka rito. Baka may ibang makarinig sa walang kwenta nating usapan." Sabi ni Elle bago siya tumayo at umalis. Susunod na sana ako para may makasama siya dahil hindi nakaligtas sa akin ang pagtulo ng kaniyang mga luha pagkatalikod niya. Pero nagulat na lang ako nang may pumigil sa aking braso. Kaagad akong napatingin kay Sir Brick na ngayon ay nakaigting rin ang mga panga. Naiinis ako! Naiinis ako dahil hindi ako makasakay sa mga nangyayari. Pero mas naiinis ako kay Sir Indigo! Wala siyang karapatang paiyakin ang kaibigan ko! "Hindi ito pwede, but I think you should follow her." Malamig na sabi ni Sir Brick kay Sir Indigo. Nakatiim ang bagang na tumayo si Sir Indigo bago ito umalis at sinundan si Elle. "Sit down." Matigas na utos sa akin ni Sir Brick. Hindi ko alam kung maiinis ba ako o kikiligin. Gusto kong magtaray kahit kaunti, pero may ilang tao sa cafeteria, baka malaman ko na lang kinabukasan na nasa headline na pala ako ng newspaper. "Isang estudyante sinagot-sagot ang isang gwapong Propesor." "Alam mo Sir, paasa ka rin ano? Alam mo na ngang gusto kita. Alam mo ring hindi pwede ang landiin ka dahil Professor kita, pero ano itong ginagawa mo?" May mali yata sa personality ko. Bigla ko na lang kasi naramdaman ang galit sa kaniya. Siguro ay dahil naalala ko ang ginawa niya noong sabado ng gabi. "Hindi ka ba naaasiwa. Maduming babae ang kasama mo rito sa table?" Mariin at sarkastikong tanong ko pa sa kaniya nang hindi siya sumagot. Isang malamig na titig ang ipinukol niya sa akin. "Ms. Tan--." "Ms. Tan? Nasaan na iyong Cassidy?" Nakangising tanong ko. "You really want to try me, huh?" Tiim ang bagang at malamig na tinging sabi niya sa akin. "Ikaw ang nauna. Gumaganti lang ako." Taas ang kilay na sabi ko kay Sir Brick. Pinipigilan kong lakasan ang aking boses dahil baka may makarinig. "I thought you like me." Walang ganang sabi ni Sir Brick habang nakatuon ang mga mata sa kawalan. Bakit niya nasabi iyon? Gusto niya na rin ba ako? Bigla na namang kumabog ng pagkalakas-lakas ang aking puso. s**t, calm down Cassidy, si Sir Brick Montecillo lang ang nasa harapan mo. Alam mo ang ugali niya at kung anong tingin niya sayo! Bakit hindi mo na lang kaya sundin si Elle? Lahat ng sinabi niya ay tama. Stop chasing Sir Brick, dahil masasaktan ka lang. "Teka, bakit naman ako masasaktan? Gusto ko lang naman siya dahil gusto ko siyang landiin. Wala ng ibang dahilan pa!" Mahinang bulong ko sa aking sarili. Napansin ko ang pagkunot ng noo ni Sir Brick. "Bakit ganiyan ka?" Napatitig ako sa kaniya nang bigla siyang magtanong. "What?" Naguguluhang tanong ko sa kaniya pabalik. Ano bang ibig niyang sabihin sa tanong na iyon? Tungkol ba iyon sa pagkausap ko sa sarili ko? Babatukan ko siya kapag iyon talaga ang pinatutungkulan niya. "Bakit lahat ng lalaki gusto mo?" Tiim ang mga bagang na tanong niya sa akin. Babalik na naman ba kami sa bagay na iyon? "Wala po kayong pakialam." Taas ang kilay na sagot ko sa kaniya. Hindi ko alam kung bakit, pero bigla akong nakaramdam ng pagkainis sa kaniya. "I hate you." Para akong sinampal sa sinabi ni Sir Brick. Kailangan talaga sabihin niya sa akin iyon? Ramdam ko naman ang pagkadisgusto niya sa akin, pero ang sabihin niya sa akin iyon ng wala man lang kahit anong ekspresiyon sa mukha, nakakainit ng ulo! "I hate you too." Nakangising sabi ko na ikinakunot ng kaniyang noo. "Well, gusto kita, pero dahil lang iyon sa gusto kitang landiin. But I hate you because I knew you hate me too. Magulo ba Sir?" Malaki ang ngising sabi ko sa kaniya. "Paglalandi lang ba talaga ang alam mong gawin sa buhay?" Tanong niyang nakatingin sa akin nang mataman. "Eh ikaw Sir? Pangungutya at pangmamata lang ba ang alam mong gawin sa buhay ko?" Nakita ko ang pagtalim ng kaniyang tingin sa akin. Naku, gumuguwapo talaga siya sa paganiyan-ganiyan niya. Ang sarap niya talagang asarin! "Sinasabi ko lang ang totoo." Matigas na sabi niya sa akin. "Totoo? Lahat ng ipinaratang mo sa akin ay walang katotohanan. Nagtatrabaho ako sa bnar as a singer." Nakangising sabi ko. "Talaga? Then tell me what did Ken—." "Nagseselos ka ba?" Tanong ko habang may matamis na ngiti sa mga labi. "What?!" Natawa ako bigla sa kaniyang ekspresiyon. Parang nahuli ito sa akto. "Nagseselos ka dahil akala mo may ginawa kaming kalaswaan ni Kuya Ken? Oh, may pa "I hate you" ka pang nalalaman diyan Sir." Pang-aasar ko pa kay Sir Brick. Isinantabi ko na muna ang isiping Propesor ko siya. Tutal siya naman ang nag-umpisa nito. "You've got to be kidding me. Why would I be jealous? Sino ka ba? Ano ba kita?" Seryosong tanong ni Sir Brick sa akin. "Bakit ka nga ba nagseselos? Sino nga ba ako sayo? Ano mo nga ba ako? Ikaw lang ang makakasagot niyon Sir." Nakangising sabi ko sabay tayo para umalis na. Masyado nang marami ang tao sa cafeteria. Kahit na ba alam ng lahat na gusto ko si Sir Brick, ayaw ko pa rin namang matsismis. "Umalis ka sa trabaho mo, kung ayaw mong mag-isip ako ng kahit ano at kung gusto mo pang makagraduate." Sabi ni Sir Brick bago ako iniwang natitilihan sa aking pwesto. Napakasama talaga ng ugali niya! Bakit kailangan niya pang gamitin ang mga iyon laban sa akin?! Saka kung gagawin ko iyon sinong magpapakain kay Mama at sa akin? Saan ako kukuha ng panggastos sa school? Mabuti sana kung papakasalan niya ako ay ayos lang dahil may pera naman siya. Mabilis akong tumakbo para habulin si Sir Brick. Lintik na yun! Sarap niyang hambalusin! Kung hindi lang siya gwapo malamang sa malamang hindi ko siya pag-aaksayahan ng precious time ko! "Sir!" Sigaw ko sa hallway nang makita ko siyang naglalakad. Malayo na ang distansiya namin kaya kinailangan kong sumigaw. Pero ang damuho, parang walang narinig! Naku talaga! Pasalamat talaga siya at gwapo siya! "Sir Brick!" Muling sigaw ko habang tumatakbo. Bakit ba ang bagal kong tumakbo? "Cass—." Hindi ko pinansin ang pagtawag sa akin ni John nang madaanan ko siya sa hallway. Mas importante si Sir Brick! Ay hindi pala, yung graduation pala! Dahil nga parang may sa The Flash si Sir Brick, halos hindi ko na siya mahabol. Pero hindi ako tumigil. Nakakabwisit lang, dahil parang nalibot na namin ang buong campus! Pinagtitripan yata ako ni Sir! Hingal na hingal na ako! Parang kakapusin na ako ng hininga! "s**t!" Daing ko nang hindi ko napansin ang isang baitang ng hagdan. Nawalan ako ng balanse at napaupo sa lupa. Gusto kong umiyak dahil parang nabalian ako. Ang sakit ng aking pang-upo pero mas masakit ang aking kanang paa. "Aray." Naiiyak na sabi ko. Akma akong tatayo nang biglang kumirot ang aking paa. Hindi ko na napigilan ang maiyak dahil sa sobrang sakit niyon. "Bakit ba kasi hinahabol mo ako?" Umiiyak na tumingin ako kay Sir Brick habang nakaupo siya sa harapan ko. Nakakunot ang kaniyang noo habang nakatitig siya sa aking paa. Bigla na namang kumabog ng malakas ang aking dibdib. Bakit laging ganito? Hindi pwede. "Kasi hindi mo naririnig iyong tawag ko." Mahinang sagot ko. Tinablan yata ako ng hiya ngayon. Dahil siguro iyon sa bagong damdaming natuklasan ko. Pero hindi pwede Cassidy! Chill ka lang muna. Mapanlinlang ang kagwapuhan! "Aray!" Sigaw ko nang bigla niyang galawin ang aking paa. May balak ba siyang palalain ang sakit niyon?! "Ang lampa mo naman kasi!" Inis na sabi niya sa akin. Nanlaki ang mga mata ko sa binitiwan niyang salita. Akmang babatukan ko si Sir Brick nang mapansin ko ang pagdaan ng pag-aalala sa kaniyang mukha habang hinihilot ang paa kong nabalian. Bigla akong napangiti. Totoo ang nakita ko! Totoong pag-aalala! "Kasalanan mo naman po kung bakit nangyari ito sa akin. Kung narinig mo lang ako hindi naman kita hahabulin." Naiiyak na sabi ko dahil sa malakas na pagpisil niya sa aking paa. "Tumayo ka na at pumunta sa infirmary." Napatingin ako sa kaniya nang bigla siyang magmura. What was that for? "Salamat." Sabi ko sabay talikod. "Paikli nang paikli iyang suot mo." Mabilis kong ibinaba ang aking palda na hanggang kalahati ng aking hita nang sabihin iyon ni Sir Brick. "Malinis?" Sarkastikong sabi niya bago siya naglakad palayo. Okay, tanga nga siguro ako. Tama nga si Elle. "Malandi ako but I'm still a virgin." Sabi kong nagpahinto sa kaniyang paglalakad. Hindi ko alam pero parang ayaw ko nang ituloy ang kahibangang ito. "Huwag mo po akong huhusgahan sa kung ano lang ang nakikita mo." Matigas na sabi ko kay Sir Brick. Gusto kong magalit pero di ko magawa. Ito ba ang nagagawa ng pagmamahal? Pagmamahal?! Siguro nga iyon na ang nararamdaman ko noon pa man. Pero hindi ko lang agad napangalanan. "Patunayan mo sa akin." Kumunot bigla ang noo ko sa kaniyang sinabi. "What do you mean?" Tanong kong naguguluhan. "You like me, prove it to me then." Nakaigting ang mga pangang sabi niya sa akin. "Huh?!" "Don't act as if hindi mo alam ang ibig kong sabihin." Sarkastikong sabi sa akin ni Sir Brick. "Talagang hindi ko alam!" Inis na sabi ko. "Stop chasing me if you doesn't know the word fuck." Parang sumabog ang utak ko sa sinabi niya. He's my Professor for Pete's sake! Gusto—hindi—mahal ko nga siya pero hindi ko maaatim na gawin iyon kasama siya! Ang magkaroon lang nga ng relasyon sa isang Propesor labag na sa batas, ang sumiping pa kaya sa kaniya?! Marahang iniwas ko ang aking tingin. Parang binalot ng lamig ang puso ko. Napakababa nga talaga ng tingin niya sa ako. "I need to go." Seryosong sabi ko. Paika-ika akong lumayo sa kaniya. I love him, yes I love Sir Brick, pero may konsensiya pa naman ako. Ayaw kong mawalan siya ng trabaho dahil lang sa pesteng pagpapatunay na isa akong birhen! At isa pa, hindi naman ako ganoon kabobo para gawin iyon. Gusto ko pang makagraduate! "Bakit ba kailangan niyang sabihin iyon?! Ganoon ba siya sa ibang babae?! Pwede namang magpacheck up!" Inis na sabi ko. "Hey, are you okay?" Napapitlag ako nang marinig ko ang tanong ni Elle. "Saan ka galing? Si Sir Indigo?" Tanong ko habang naglalakad kami sa hallway. "Let's not talk about him. Ikaw? Anong nangyari sayo?" Nag-aalalang tanong sa akin ni Elle habang inaalalayan ako sa paglalakad. "Alam mo bang tama ka? Sa kahahabol ko kay Sir Brick nasaktan ako? Look, nasaktan ako hindi lang emotionally, but also physically." Natatawang sabi ko kay Elle. Hindi ko na lamang binanggit sa kaniya ang iba pang nangyari kanina. Iba kasi ang pakiramdam ko sa awra niya ngayon. Sa ibang araw ko na lamang sasabihin na iba na ang nararamdaman ko para kay Sir Brick.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD