Hindi maipagkakailang sobra ang inis ko kay Amanda dahil sa pagiging madikit nito kay Brick. Sino nga ba naman ang matutuwa sa ganoon di ba? I know she's just being sweet like any other teenager. Pero nakakapika na rin kasi minsan. Alam naman nito ang kung anong meron sa amin ni Brick pero parang wala lang iyon dito. At first I was just being annoyed with her actions. Pero parang sumusobra na yata. Parang hindi na yata niya alam kung saan ang lugar niya. "She is just being herself. Ganoon naman kasi si Amanda kay Brick dati pa, anak." Sabi sa akin ni Tita Andrea habang magkasama kaming nagkukuwentuhan sa veranda. Napansin rin siguro ng Mama ni Brick na hindi ako comfortable sa presence ni Amanda. "But Tita, parang sobra na kasi. I know selosa ako pero hindi naman ako magseselos n