We kissed? He kissed me?! Magugunaw na ba ang mundo? May nakain bang kakaiba si Sir Brick? Kung meron man, ano yun? Sabihin niyo sa akin para maipakain ko sa kaniya araw-araw!
Until now, hindi pa rin ako makapaniwala sa mga nangyayari. First, kahit hindi malinaw, o kahit inaway niya ako, pinagalitan, he asked me out. 'Di ba parang ganun na rin iyong pagpunta namin sa mall? O baka assuming na naman ako. Ah basta!
Second, he held my hand. Tumakbo kami na magka-holding hands. 'Di ba nakakakilig iyon? Naku, panigurado patay ako nito kay Elle kapag sinabi ko sa kaniya ang tungkol doon.
Third, he smiled. He smiled at me, na parang espesyal ako sa kaniya. Iyon ang ngiti niyang matagal ko nang gustong makitang ibigay niya sa akin. Yes, ngumingiti naman siya kapag nagtuturo. Pero pagdating sa akin palaging nakaigting ang kaniyang mga panga. Para bang isa akong banta sa kaniyang trabaho. Pero parang totoo naman. Ay ewan!
Lastly, he kissed me. Wala sa hinagap kong mangyayari iyon. Ang tanging gusto ko lang naman dati ay ang mapansin at ngitian niya ako. Ayos na ako sa ganoon. Pero, ngayon, parang may mas gusto pa akong marating. I want it to be real. Our relationship, gusto kong maging totoo iyon. Sana nga magkatotoo. Dahil ang ginawa niyang paghalik sa akin ay ang siyang gumising sa pinakamalalim na nararamdaman ng puso ko. I don't think I could stop myself. Lalo na't parang ipinaramdaman niya sa aking gusto niya rin ako sa pamamagitan ng pinagsaluhan naming halik.
"You're spacing out. What is it?" Bigla akong napabaling ng tingin kay Elle na ngayon ay kasama ko sa library. Isang marahang pag-iling ang ibinigay ko sa kaniya bago ko itinuon ang aking atensiyon sa librong hindi ko naman maintindihan kung anong nakasulat.
"You're blushing." Natatawang puna niya sa akin. Napapitlag ako nang bigla niyang sundutin ang aking tagiliran. Malakas ang kiliti ko roon!
"Ayaw mong sabihin sa akin?" Taas ang kilay na tanong niya sa akin. Bakit parang blooming yata siya ngayon. Simula pa kaninang umaga hanggang ngayong hapon ay nakangiti siya. May hindi na naman ba ako nalalaman tungkol sa kaniya.
"Sasabihin ko sayo, pero, magkuwento ka muna sa akin." Nakangising sabi ko kay Elle na ikinasimangot niya. What? Ayaw niya ring sabihin? Nagkaayos na ba sila ni Sir Indigo?
"He asked me ou." Panimula niya. Tumaas ang aking kilay. Sino? Si Sir Indigo ba?
"He asked me for a family dinner. Since, we're best of friends before at malapit rin ako sa parents niya, I have no choice but to say yes." Nakangiwing sabi ni Elle sa akin. Hindi ko mapigilan ang mapahagalpak ng tawa. Napagalitan tuloy ako ni Ma'am Rose dahil sa ginawa ko.
"You mean, magkakasama kayong dalawa? Elle, baka hindi naman family dinner. Baka kayong dalawa lang naman ang kakain. Ginamit niya lang siguro yung family niya, kasi alam niyang hindi ka makakatanggi." Nakangising sabi ko kay Elle na ngayon ay nagkakandahaba na ang nguso.
"Ah basta, kung hindi man totoong family dinner iyon. Eh di, uuwi agad ako." Pasupladang sagot niya sa akin.
"Eh bakit parang iba ang nakikita ko sa mga mata mo? You like the idea of having a dinner date with Sir Indigo, right? Yung kayo lang dalawa?" Pang-aasar ko pa sa kaniya. Nag-e-enjoy ako sa pang-aasar kay Elle. Minsan lang naman kasi ito mangyari. Isa pa, para makaiwas ako sa mga itatanong niya.
"No, I'm not!" Malakas na sagot niya na ikinatingin ng ibang estudyante sa aming puwesto. Muli na naman kaming napagalitan ni Ma'am Rose.
"Defensive much?" Malaki ang ngiting sabi ko. Isang nakamamatay na irap ang ibinigay niya sa akin na tinawanan ko lamang.
"How about you?" Natigil ako sa aking pagtawa nang magtanong si Elle. Napakagat ako sa aking ibabang labi. Akala ko makakalusot ako, hindi pala.
Anong sasabihin ko sa kaniya? Na inalok ako ni Sir Brick bilang fake girlfriend nito? O yung hinalikan ako ni Sir Brick habang pinagtataguan namin silang dalawa ni Sir Indigo? Parang kahit ano namang sabihin ko sa dalawa, papagalitan na naman ako ni Elle.
"Tungkol na naman kay Sir Brick?" Taas ang kilay at seryosong tanong ni Elle. Napalunok ako dahil doon. Isang marahang pagtango ang isinagot ko.
"Magkuwento ka na, simula sa simula hanggang sa matapos." Malaki ang ngiting sabi niya sa akin.
"Pwede next time ko na lang sabihin?" Sabi ko habang nakahawak sa mga kamay ni Elle. Tinampal niya ang aking mga kamay at pinandilatan ang ng mga mata.
"Hindi puwede! Magkuwento ka, dahil kung hindi mo sasabihin sa akin ang la—."
"We kissed." Putol ko sa kaniyang pagsasalita.
"W-What?!" Sigaw niya habang magkasalubong ang mga kilay.
"Ano ba! Kanina pa kayong dalawa. Ang ingay niyo!" Nakagat ko ang aking labi nang sigawan kami ni Ma'am Rose.
"Sorry po, hindi na mauulit." Magalang na sabi ni Elle bago niya ako muling binalingan.
"Hinalikan ka niya—ah hindi. Ikaw ang humalik sa kaniya?" Taas ang kilay na sabi ni Elle sa akin. Anong ako?! Hindi ko nga naisip na gawin iyon kay Sir Brick.
"Siya mismo ang humalik sa akin." Mahinang sagot ko. Napansin ko ang hindi makapaniwalang tingin sa akin ni Elle. Mabilis niyang kinuha ang kaniyang tubig at ininom iyon hanggang sa maubos.
"Why?" Tanong niya pa ulit sa akin.
"I don't know. Bigla na lamang niya akong hinalikan." Sagot ko sabay inom rin ng tubig. Pakiramdaman ko kasi ay nanunuyo ang aking lalamunan.
"Bakit kayo magkasama?" Tanong niyang ikinaubo ko. Bakit ang dami niyang tanong? Parang hindi ko yata kayang sabihin sa kaniyang pumayag ako sa gusto ni Sir Brick.
"Ano? Ang tagal mo sumagot." Mataray na sabi niya sa akin. I guess I have no choice. Isa pa, best friend ko siya. Kailangan niya ring malaman.
"We have some sort of, you know, deal. I'm sorry, ngayon ko lang nasabi sayo. Dapat...dapat sinabi ko kaagad." Nakangiwing sabi ko habang kinakamot ko ang aking noo.
"Deal? Anong deal? At bakit pumayag ka?" Kunot ang noong tanong sa akin ni Elle. Naalala ko bigla ang sabi ni Sir Brick. Secret lang daw namin iyon. Pero hindi ko naman kayang maglihim kay Elle.
"Magpanggap bilang girlfriend niya." Nakita ko ang pag-ikot ng kaniyang mga mata dahil sa sinabi ko. Isang malamig na tingin ang ipinukol niya sa akin. "Elle, isang buwan lang naman. Pagkatapos niyon wala na. Sabi niya—."
"Cassidy, hindi mo talaga pinapakinggan yung mga payo ko sayo? They are all the same. Sasaktan ka lang nila, tayo. Cass, sabihin na nating one month lang, pero mahabang panahon pa rin iyon. Hindi mo alam kung anong mangyayari sa loob ng isang buwan. And Brick? He's dangerous. More dangerous than Sir Lawrence and Indigo! Wala kang mapapala sa ginagawa mo." Mahabang sabi niya sa akin na ikinayuko ko na lamang. Totoo naman kasi ang sinabi niya. Si Sir Lawrence na minsan ko na ring pinag-isipang landiin, ayon, may asawa't anak na. Wala akong napala, nasaktan ako, pero hindi naman sobra. Dahil hindi ko naman siya instructor, gaya ng sabi ko noon. Teacher siya ng mga programming students at ilang linggo pa lamang ako dito sa school ay umalis na siya sa pagiging guro.
Pero si Sir Brick? Ewan, basta masaya ako sa ginagawa ko, okay lang. Nakakainis, hindi ko na maintindihan ang sarili ko. Ayaw ko ng ganitong sitwasyon, pero nakakaramdam ako ng tuwa kapag iniisip kong makakasama ko si Sir Brick ng isang buong buwan.
"Elle, hindi ako masasaktan. O kapag nakaramdam man ako ng sakit, titigil na ako." Sabi ko sabay iwas ng tingin. Hindi naman kasi papayag si Sir Brick na tumigil ako. He's possessive.
"Alright, basta kapag kailangan mo ako, nandito lang ako. Kapag sinaktan ka niya, sabihin mo sa akin. Ako mismo babasag sa mukha niya." Napangiti ako sa kaniyang sinabi. Si Sir Indigo kaya, nakatikim na kaya siya ng sapak galing kay Elle?
Hindi na muling nag-usisa pa si Elle ng tungkol sa amin ni Sir Brick. Marahil ay ayaw niya nang makaramdam ako ng pagkailang. At isa pa, baka may makarinig sa amin. Dumadami na kasi ang tao sa library.
Isang malalim na paghinga ang pinakawalan ko bago ko ipinatong ang aking ulo sa aking mga braso. Nakakaantok talaga sa library.
"Elle, matutulog lang ako saglit, gisingin mo ako kapag uuwi ka na." Mahinang sabi ko bago ko ipinikit ang aking mga mata. Pakiramdam ko pagod na pagod ako. Eh isang subject lang naman ang meron kami ngayon.
Hindi ko alam kung ilang oras ako sa ganoong posisyon nang makaramdam ako ng pagkangalay sa aking leeg. Uminat lang ako saglit at muli ring bumalik sa pagkakadayukdok sa lamesa. Maya-maya ay nakaamoy ako ng isang pamilyar na amoy. Napakasarap sa pakiramdam, parang idinuduyan ako sa mga ulap.
"Shit." Napamulat ako bigla nang marinig ko iyon at nang maramdaman ko ang pagsayad ng aking likod sa malambot na bagay. Nawala bigla ang aking antok nang makita ko si Sir Brick sa aking harapan habang may hawak siyang jacket.
"I told you to stop wearing short dresses. Bakit ba ang kulit mo?" Nakaigting ang mga pangang sabi niya sa akin bago niya inilagay ang hawak niyang jacket sa nakahantad kong mga hita. Nasaan ba ako? Nasaan si Elle? At saka, bakit ba lagi niyang pinoproblema ang suot ko?!
"Narito ka sa office ko. Sarado na sa library. Mabuti na lang napadaan ako, dahil kung hindi, baka umiiyak ka na roon dahil sa hindi ka makalabas." Napamaang ako sa sinabi ni Sir Brick. Ibig sabihin binuhat niya ako mula sa library hanggang dito sa office niya? Nasa third floor ang library, tapos first floor naman itong office niya. Bakit siya napunta roon? May klase ba siya? O may kinuha lang sa library?
"Si Elle?" Tanong ko habang inaayos ang aking sarili.
"Umalis na, hindi nakapagpaalam sayo dahil tulog na tulog ka. Kung inaantok ka pa mahiga ka na muna, ihahatid na lang kita pagkatapos ko rito." Sabi ni Sir Brick bago niya itinuon ang pansin sa mga papel na nasa lamesa niya. Napabaling ang tingin ko sa kaniyang wall clock. Nanlaki ang mga mata ko nang makita kong alas-siete na pala ng gabi. Kailangan ko nang umuwi.
"Uuwi na ako!" Sabi ko sabay bangon. Muli kong narinig ang pagmura ni Sir Brick kaya napatingin ako sa kaniya. Nakita ko ang pagpikit niya nang mariin. Pagkatapos ay ang pagtingin niya sa akin habang nakatiim ang mga bagang.
"Dito ka lang, may kukunin ako sa kotse." Malamig na sabi niya bago siya lumabas ng office. s**t, ako na lang mag-isa rito. Mabilis akong umupo at niyakap ang aking mga tuhod. Ibinalot ko rin ang jacket ni Sir Brick sa akin dahil natatakot ako. Baka mamaya may multo pala rito sa office niya o kaya dito sa school.
Maya-maya'y narinig ko ang malakas na buhos ng ulan. 'Wag naman sanang mawalan ng kuryente. Baka mawalan ako ng malay kapag nagyari iyon.
"Bakit ang tagal niya?" Naiiyak na sabi ko nang mas lumakas pang lalo ang pag-ulan. Napatili ako nang kumulog at kumidlat, kasabay niyon ang pagkawala ng ilaw. Kumalat ang dilim sa buong opisina ni Sir Brick.
"B-Brick?!" Sigaw kong habang unti-unting tumutulo ang aking mga luha. Ayaw ko ng ganito. Ayaw ko ng ganitong pakiramdam. Ayaw ko ng kulog at kidlat, ayaw ko sa dilim. Ayaw kong bumalik ang mga alaalang iyon!
"....Papa, gumising ka! Papa!"
"Kasalanan mo! Kasalanan mo Cassidy kung bakit nawala ang anak ko! Kayo ng walang kwenta mong Ina!"
Napapikit ako ng mariin nang pumasok iyon sa aking isipan. Isang bangungot na ayaw ko nang maalala pa.
"Hindi, hindi! Papa!" Malakas kong sigaw habang humahagulgol. Bakit bumabalik iyon?! Matagal ko nang nakalimutan ang bangungot na iyon! Matagal nang wala si Papa.
"Cassi—." Muli akong napatili nang may humawak sa aking braso. Dahil sa takot ay nagpumiglas ako.
"f**k, it's me! Babe, ako 'to, si Brick. Anong nangyayari sayo?!" Awtomatikong natigil ako sa pagpupumiglas nang marinig ko ang boses ni Sir Brick. Walang sabi-sabing niyakap ko siya nang mahigpit.
"B-Brick, I'm scared. Gusto ko nang umuwi. Iuwi mo na ako, ayaw ko rito." Nanginginig kong sabi kay Sir Brick. Hindi pa rin ako matigil sa pag-iyak. Kailan ba ito huling nangyari? Noong high school yata ako.
"Sabihin mo muna sa akin kung bakit ka nagkakagan—."
"Please, gusto ko nang umuwi." Umiiyak na pakiusap ko sa kaniya.
"Takot ka ba sa dilim? Sabihin mo sa akin, Cassidy." Tanging pag-iyak lamang ang nagawa ko. Hindi pa rin ako kumakalas sa yakap ko sa kaniya. Ayaw kong kumalas dahil pakiramdam ko maririnig ko na naman sa aking isipan ang pag-iyak ni Mama, ni Papa at ang pang-aakusa sa amin ni Lola.
"Hey, babe." Magaan ang boses na tawag sa akin ni Brick. Sasagot na sana ako nang biglang magkailaw. Nakahinga ako nang maluwag dahil doon.
"Ayos ka na ba?" Tanong niya sa akin habang nakayakap pa rin ako sa kaniya. Naramdaman ko ang marahan niyang paghaplos sa aking mahabang buhok. Unti-unti na ring nawawala ang panginginig ng aking katawan. Maging ang aking paghinga ay bumabalik na rin sa dati.
"I'm sorry, dapat hindi kita iniwan dito. Hindi na kita tatanungin, dahil sa tingin ko—."
"Natatakot ako." Putol ko sa sinasabi ni Sir Brick. Kumalas ako sa yakap at naupo ng maayos sa sofa.
"Saan?"
"Sa dilim, sa kulog, sa kidlat, at sa pangyayaring hanggang ngayon ay minumulto pa rin ako." Muli na namang tumulo ang aking mga luha.
"Anong pangyayari?" Kunot ang noong tanong sa akin ni Sir Brick. Nakaupo siya ngayon sa center table, habang nakaharap sa akin.
"Namatay ang Papa ko, habang umuulan. Malakas ang kulog at kidlat, walang ilaw. Tanging mukha lang ni Papa ang nakikita ko. He died because he saved me." Umiiyak kong sabi. Siguro nga kasalanan ko. Dahil kung hindi ako iniligtas ni Papa, baka buhay pa siya hanggang ngayon.
"We were having a party, my birthday party to be exact. Biglang nagkasunog sa hotel, malapit sa kuwarto ko. Akala ko mamamatay na ako noon, pero sinagip ako ni Papa." Nakita ko ang kaseryosohan ni Sir Brick. Nakatitig lamang siya sa akin at hinihintay ang susunod kong sasabihin.
"Naiwan si Papa sa kuwarto. Gusto ko siyang tulungan, kasi naririnig ko yung sigaw niya, yung sakit sa pag-iyak niya. Pero biglang natabunan ng kulog ang boses ni Papa. Hindi ko na siya marinig. Hindi ko na siya makita dahil wala nang ilaw sa paligid." Muli akong napahagulgol nang maalala ko ang pag-iyak ni Papa. Nakakapangliit, wala akong nagawa para tulungan siya.
"Wala na siyang buhay nang maapula ang apoy. Ako ang sinisisi ni Lola. Kasalanan ko, tama sila kasalanan ko ang nangyari. Dapat ako na lang nawala. Dapat ako na lang—."
"Cass, babe stop. Hindi mo kasalanan. Wala kang kasalanan." Sabi ni Sir Brick bago niya ako masuyong niyakap. Bakit niya ito ginagawa? Dahil ba sa awa?
"Stop crying, tapos na iyon. Kalimutan mo na lang. Kapag umulan ulit, kumulog o kumidlat. Kapag madilim at wala kang makita, tawagan mo lang ako, okay? Sabihin mo sa akin kapag nangyari ulit ito habang wala ako sa tabi mo." Mahinang sabi niya sa akin. Bakit? Dapat ba akong matuwa sa mga sinabi niya?
"Why are you doing this?" Tanong ko habang nakapatong ang baba ko sa kaniyang balikat.
"I'm your boyfriend, that's why I'm doing this." Mahinang sabi niya na ikinaiyak ko. Boyfriend? Ang sarap pakinggan, pero boyfriend ko siya ngayon, at sa mga susunod na araw. Pero paano kapag natapos ang isang buwan? Ganito pa rin ba?