Pabagsak akong nahiga sa aking kama pagkarating ko sa bahay. Hindi ko na pinansin ang nag-aalalang tawag sa akin ni Mama at Lola. Hinayaan kong mabasa ang kama ng katawan kong naburo sa ulanan. Kasabay nang pagpatak ng mga butil ng ulan sa aking katawan, ang pagdaloy rin ng aking mga luha sa unang makakapuno yata ng isang balde kung pipigain. Nahuli ba ako? Hindi na ba talaga pwede? Bakit ganito? Ang sakit! Hindi ko yata kakayanin. "Apo?" narinig kong tawag ni Lola mula sa labas ng aking kuwarto. Atubiling binuksan ko ang pinto para makapasok siya. Alam kong magtatanong si Lola. Mabuti nang ngayon pa lang ay sabihin ko na. "Anong nangyari sayo?" nag-aalalang tanong niya sa akin bago ako niyakap. This is want I need. A hug. "He doesn't want me anymore, Lola." umiiyak kong sabi k