"Congratulations anak! Napakasaya ko ngayon!" masayang sabi ni Mama habang hinahaplos niya ang aking pisngi. Graduation day. Maging ako ay sobra ang nararamdamang saya. At last, I'm free. Free from doing those projects, exam's and everything about school. Hindi ko na rin makikita ang pagmumukha ni Sir Morales. Nakakalungkot nga lang dahil maging si Sir Brick ay hindi ko na rin pala makikita araw-araw. "Hey, parang nautangan ka dahil diyan sa ekspresiyon ng mukha mo! Smile Cassidy! Graduation natin ngayon!" nakangiting sabi sa akin ni Elle habang nasa tabi siya ni Mama. "Masaya naman ako, may kaunting lungkot lang dahil marami akong maiiwang alaala sa school na ito." nakangiti ring sabi ko. Nakangising lumapit sa akin si Elle. Pasimple niya akong siniko sa tagiliran. "Maiiwang alaala