HANSLEY VILLA’S Point of View Masaya akong nakangiti habang binubuksan ang pintuan. Namilog at napanganga na lang ako nang makita kung sino ang nasa pintuan. Masama din ang titig sa akin na may pag-uusisa. I try to calm myself at bumuntong hininga. Matalim ang tingin nito sa akin habang nakayakap sa dib-dib niya. Hindi ko pa man nabubuksan ng maayos ang pinto ay tinabig niya na iyon at pumasok sa loob ng bahay. "I told you, hintayin mo ko sa mall para makanood tayo ng sine. Bakit umuwi ka pa din?" Mataas na boses na pagtatanong niya. "Nandito ba si Tito at Tita? Ano bang pinagkakaabalahan mo, ha? Pati text at tawag ko hindi mo na nasagot?" Paglingon niya sa bandang kusina ay mas lalo nag ngit-ngit ang itsura ng nakitang may babaeng nakaupo sa lamesa. Si Laura. "Oh! May bisita pala kay

