ERL WALTON’S Point of View Masayang-masaya ako sa pag-suporta ng aking pamilya, kaibigan at classmate. Naging matagumpay ang grand opening ng bar na itinayo ko. Walang mapag lagyan ang kasiyahan at pasasalamat sa puso ko. Inimbitahan ko ang buong pamilya na itinuturing ni Ate Laura. Malaki din ang tulong ni Kuya Maxx dahil nakahatak ito ng maraming customer dahil kilala na siya sa ganitong business industry. Ilan sa mga classmate at professors ko ay sumuporta din. Hindi mawala ang mga ngiti sa labi ko, dahil hindi mabubuo ang gabi ko kung hindi ko man lang masisilayan si Alice sa grand opening na ito. Sa tingin ko mas gumanda pa ito ngayon gabi. Maikling short ang suot at naka half shoulder sleeve. Bagong kulay din ang buhok na mas bumagay sa kanyang kaputian. "She's perfect in every ang

