LAURA’S Point of View Pumasok ako ng maaga sa university. Malayo pa lang si Alice ay natanawan ko na ito. Masaya ako nitong sinalubong. Nagtataka ako sa mga taong nakasalubong namin. Ang iba ay nag-uusap-usap o nagbubulungan. May napansin pa ako na tao na nakaturo sa akin. "Bakit feeling ko tinitignan ako ng lahat?" takang tanong ni Alice. "Ang ganda naman ng suot mo ngayon," ngising dugtong ni Alice. Tumingin ako sa skirt kong suot. Wala naman bago dito dahil madalas ko naman itong suotin. So, hindi na ito bago sa paningin nila. But obviously I smell something, this is not the reason kung bakit ako pinagti-tinginan. "I think nine-nerbiyos ka lang para sa defense ng thesis natin. Come on, relax lang. Wag kang kabahan, kaya mo yan." sabat muli ni Alice. "Hindi ako kinakabahan." ngiting