Chapter 6

2128 Words
LAURA’S Point of View Matapos magturo kay Erl ay nagmamadali na akong pumunta sa meeting place namin ni Kuya. Isa sa pinaka mamahalin na Restaurant sa Taguig ang napili namin nitong kainan. Pagdating ko roon ay nakaupo na ito sa pina-reserve niyang table. Umorder na ito dahil alam niya naman ang mga pagkain na gusto ko. "Are you tired?" tanong ni Kuya Luis pagka-upo ko. Bago sumagot sa kanya ay uminom muna ako tubig. "Hindi ako nakakaramdam ng pagod lalo na kapag nagtuturo." pangiting sabi ko. "Ikaw talaga!" sagot nito na hindi naniniwala. "Kuya, maayos ang aking kalagayan at masaya ako sa aking mga gingawa. ‘Wag mo na ko intindihin. Alam mo naman na ayoko kong pinipigilan ako sa mga gusto kong gawin." Ilang minuto lang at dumating na ang mga pagkain. Agad kong sinabakan ang mga iyon at masayang kumain. "Dahan-dahan lang. Ang takaw mo talaga! Wala ka naman kaagaw sa pagkain. Kung gusto mo ay o-order pa ako ng marami." Ngiting sabi ni Kuya habang nakatitig sa akin. Natawa ako at halos mabilaukan. "Kaya hindi mo ko pwede hatian sa pagkain na 'to dahil uubusin ko talaga lahat ito." "Kainin mo kung kaya mo!" Ngising pang-aasar nito. “O-order pa ako kung kulang pa sayo 'yan. Kung nakikita ka lang ni Tta Marilou, malamang pinagta-tawanan ka rin 'non dahil sa katakawan mo." Napanbuntong hininga ako sa sinabi ni Kuya kaya naman napataas ang tingin ko dito. "Kuya," malungkot nitong tawag sa pangalan ko. "Sorry, hindi ko na babangitin! Kumain ka na ng marami." iba ng topic nito. Masaya kami habang kumakain at nagkwe-kwentuhan. Kapag inaagawan pa ako nito sa aking pagkain ay napapalo ko pa ito at napapatitig ng masama sa kanya. Napahinto lang kami sa aming ginagawa ng may aninong tumakip sa liwanag. Sabay na umangat ang tingin namin doon. Nang makita ko ito ay nawalan na agad ako ng gana kumain. Napatayo pa si Luis ng makita ito at napasimangot. "Hilda! Anong ginagawa mo dito?" tanong nito. "Kuya, ganyan ba talaga ka-importante sa'yo ang babaeng iyan? Pagbalik mo dito sa Pilipinas, siya talaga ang una mong pupuntahan at yayain kumain kesa sa amin na pamilya mo?" Reklamong tanong ni Hilda. "Hindi mo man lang kami binigyan ng kahihiyan at prinaority mo pa talaga yang anak sa labas ni Daddy!" "Manahimik ka na." Awat niya kay Hilda. "Mali ba ako? Anak lang siya sa labas! Siya at ang kanyang ina ay isang kahihiyan sa pamilya natin! Bakit ba napakabait mo r’yan sa babaeng ‘yan?" Iritang tanong nito. "Hilda, tigilan mo yang pag sa-salita mo kay Laura. Kapatid pa rin natin siya. Kaya tumigil ka na at umalis ka na dito!" "Kuya Luis, ako ang tunay mong kapatid. Bakit ba pinagtatanggol mo na lang palagi yang babaeng 'yan?" "Nananahimik kaming kumakain dito! Ikaw itong unang nagsasalita ng hindi maganda. Nakakahiya! Dito ka pa talaga nag-eskandalo." tugon ni Kuya. "Kung hindi lang siya anak ni Daddy baka pinatay ko na rin yan." Banta ni Hilda. Pinipigilan ko ang sarili at pinapakinggan lang silang dalawa. Hindi na ako makapagtimpi kaya naman tumayo na ako sa kinauupuan ko. Hindi ko na napigilan pa ang sarili ko na magsalita. "Hilda, pwede bang irespeto mo naman ako? ‘Wag ka magsalita ng hindi maganda! Una sa lahat, hindi ko tinuturing na ama ang Daddy mo. Matagal nang malinaw sa akin na patay na ang ama ko! Wala akong pakialam sa pamilya niyo." Diretsong salita ko. "Pangalawa, wala akong hiningi ni isang kusing sa inyo para mabuhay ako. Kahit pa na ospital at namatay ang nanay ko ay hindi ako nagmakaawa sa inyo para tulungan kami. Wala ka o ni isa man sa inyo ang may karapatan para bastusin ako." dugtong ko. "Ikaw pa talaga ang may gana magsalita ng ganya? Mahiya ka naman, Laura. Pati kapatid ko ginagamit mo pa!" "Sa ating dalawa, ikaw ang mas nakakahiya dahil sa inaasal mo! Galing ka pa man din sa isang kilalang pamilya pero nasan ang manners mo?!" Sagot ko kay Hilda. Hindi ko na kailangan makipagtalo sa babaeng ito. Hindi ko kailangan pag-aksayahan ang isang tulad niya. Bumuntong hininga ako at kinuha ang bag. Binuksan ko iyon at naglagay ako sa lamesa ng pera. May tinatabi talaga akong cash just in case na kailanganin ko, katulad ngayon. Sapat na ang pera na inilagay ko sapagkain para sa kinain ko. Hindi ko na nilingon pa ang dalawang ito at tinalikuran ko na sila. Narinig ko pa na nagsalita si Kuya at hinabol pa ako nito. "Laura! Wait, pagusapan na muna natin ito." sambit nito. "Kuya, huwag mo na ko sundan. No need to explain dahil nai-intindihan ko naman! Alam ko naman! Bigyan mo naman ako ng dignidad sa kapatid mo. Aalis na ko! Tatawagan na lang kita." Diretsong lakad ko palabas ng rrestaurant. Nagpalakad-lakad ako sa kalsada. HIndi ko alam kung gaano na ba kahaba ang nilalakad. Nakaramdam na lang ako bigla ng pagod. Nanghihina ang mga tuhod at hindi ko na napigilan mapaupo sa gilid ng kalye. Natulala ako sa kawalan at pinapanood ko lang ang mga kotseng dumadaan. Kusang tumulo ang aking mga luha at napabulong sa aking sarli. "Nanay! Miss na miss na kita!" Nakatingin lang ako sa bintana at walang imik. Napukaw lang ang atensiyon ko ng magsalita ang aking katabi. "Umiiyak ka ba?" tanong nito. Hindi ko na ito binatuhan ng tingin. Ayaw kong ipakita ang kahinaan ko sa kahit na sino man. "Hindi!" tipid kong sagot. Kailangan kong pagtakpan ang tunay kong nararamdaman. Ayoko makaapekto sa mood ng iba. "Ano bang iniiyakan mo? Tell me?" iritang tanong nito. "Nothing!" Nahihiya akong sabihin na naiiyak ako dahil nakagastos ako ng pera pambayad sa restaurant na iyon. Pinapahalagahan ko ang bawat sentimo na meron ako dahil pinagpaguran ko iyon. Dahil lang sa nangyari kanina kailangan ko pang gumastos ng malaki para lang ipamukha kay Hilda na may kakayanan akong mabuhay kahit wala ang tulong nila. Parang hinihiwa ng kutsilyo ang puso ko. Kaya naman sinumpa ko ngayon gabing ito na hindi na ako kakain pa sa mamahaling restaurant. Makalipas ang ilang oras ay nakauwi na kami sa Villa. Automatic ang gate doon at kusang bumubukas at sumasara. Pagbaba ng sasakyan ay nanlulumo pa rin ako. Wala akong lakas na makipag-usap o gumawa man lang ng kahit anong hakbang. Napabulong pa ako sa aking sarili. "Ang malas ko talaga ngayong araw na 'to." Sinalubong kami ni Yaya Nida sa may pintuan. "Sir Syd, nai-ayos ko na po ang silid ni Maam Laura. Sa second floor po, ikaapat na pintuan." Ganon kabilis? Ready na agad ang lahat? Ganito ba talaga ang lalaking ito? Pag may gustong gawin kahit ayaw ko ay gagawin pa rin niya? Gusto kong kamutin ang aking ulo o kaya ay inuntog iyon sa pader dahil sa nangyari sa amin, may dahilan itong gawin lahat ng plano na gusto niya. Ngumiti ako kay Yaya Nida ng ituro nito ang magiging kwarto ko. Bumaling muli ang atensiyon nito kay Syd na wala pa din imik. "Sir, may ipag-uutos pa po ba kayo?" tanong nito. "Yes! Sabihin mo kay Erl na hindi muna siya pwede mag papunta ng mga kaibigan dito sa bahay. Malapit na ang kanyang entrance exam, kaya dapat ay makapag focus siya upang makapasa." bilin nito. "Opo." agad na tugon ni Yaya Nida na naiintindihan na ang sinasabi ni Syd. Umalis ito sa tabi ko ay nagtungo paakyat ng hagdan. "Samahan mo si Laura sa kanyang kwarto para makapag palit." utos nito habang nakatalikod paakyat. "Opo." sagot ni Yaya Nida sabay humarap sa akin. "Tayo na po, Maam Laura," nakangiting yaya nito sa akin. Tumango ako kay Yaya Nida at sinundan ko lang ito. Lumiliit na talaga ang mundo ko kapag kasama ang lalaking ito. "Bakit ba wala akong maggawa? Nakakainis!" sabi ko sa isip ko. Namangha ako sa kwarto na pinagdalhan sa akin ni Yaya Nida. Kahit pa simple lang ang design nito ay napaka elegnate at komportable sa mata. Pagkahatid sa akin doon ni Yaya ay iniwan na ako nito. Inilibot ko ang mata ko sa buong kwarto. Hinaplos ko kung gaano kalambot ang kama at humiga doon na parang bata. LUIS’S Point of View Hinabol ko pa si Laura na palabas ng restaurant ngunit ayaw na nitong magpaawat. Binalikan ko kung saan namin iniwan nakatayo si Hilda. "Masaya ka na ba na palagi mong binabastos at pinapahiya si Laura?" galit na tanong ko. Kinuha ko ang braso nito at hindi ko mapigilan mapahigpit ang hawak ko dahil sa inaasal nito. "Ano bang pinakain sa'yo ng babaeng iyon at palaging siya na lang ang kinakampihan mo?" bastos na tugon nito. "Kuya, alam ba nila mommy and daddy ang pinag-gagawa mo? I'm sure pagagalitan ka na naman nila kapag nalaman nilang hanggang ngayon nakikipag-kita ka pa sa babaeng iyon." "Hindi basta babae lang si Laura, Hilda! Kapatid natin siya, at sa ayaw o gusto mo ituturing ko siya bilang isang parte ng ating pamilya! Tandaan mo 'yan." Binitawan ko ang pagkakahawak sa braso nito. Iniwan ko itong nag-iisa doon. Bata pa lang kami ay mainit na ang dugo ni Hilda kay Laura. Kahit kailan ay hindi niya ito itinuring na kapatid namin. Ewan ko ba kung saan nagmana ang babaeng ito. Spoil kasi ni mom and dad at lahat ng gusto nakukuha. Pero hindi uubra sa akin ang pagiging matapobre niya, kaya naman kapag nagkakamali ito ay tinatama ko na. Kapag si Laura ang usapanm nagiging protetcive talaga ako. Ayoko na nasasabihan ito ng hindi magagandang salita o napapahiya sa ibang tayo. Dumiretso ako sa isang bar at doon inilabas ang inis ko. SYD’S Point of View Sa siksikan ng trapiko, napalingon ako sa paligid. sa isang sulyap lang ay naagaw ng isang nakaupong babae ang aking atensiyon. 'Di ako maaring magkamali kaya naman pinahinto ko si Manong Ken sa gilid ng kalsada. Nakatulala ito at may luha sa mga mata. Hindi na din ako nito napansin na nasa harapan niya ako. Ilang minuto ko pa ito pinagmasdan. Napaangat ang ulo nito ng lumapit ako mismo sa harapan nito. Napasimangot ako ng makita ko kung gaano ito kalungkot at umiiyak. Sa sandaling magkita ang kanilang mga mata, may kung ano sa kanyang puso ang kumirot, tumigil siya sa kanyang pag-iyak at pinusasan ang kanyang mga luha. Nagulat pa ito ng makita ako at sabay tayo. Pinunasan nito ang kanyang luha sa mga mata habang kinakausap ako. "Sir Syd, bakit ka nandito,?" tanong nito at iniiwas ang luhaang mata sa akin. "Kapag nakikita mo ko, palaging yan ang tanong mo sa akin," sarkastikong sagot ko sa kanya. Inayos nito ang kanyang buhok, mukha at damit bago muling makipag-usap sa akin. "Nakakagulat lang na makita kita dito sa kalsada. I didn;t expect na pumunpunta pala ang isang mayaman katulad mo sa mga sidewalk na ganito." pakunwaring ngisi nito. "Ano ba ang ginagawa mo dito at bakit ganyan ang ayos mo?" seryosong tanong ko. "Wala naman! Wala naman sigurong masama na umupo ako dito, 'di ba?" pabalang na sagot nito. "Nakaharang ka lang dito sa daanan." "Public place ito, at hindi ako nakaharang! Ang laki nitong sidewalk at kahit na sino makakadaan ng maluwag." "Sa itsura mo ngayon, mukha kang isang ligaw na pusa." Tinignan lang ako nito at nanahimik. "Kung gayon, para hindi makaharang sa daraanan mo ay aalis na ako," paalam na sabi nito. "Where are you going?," malamig na tanong ko. "Sumakay ka na sa kotse, pauwi na rin naman ako." Dirediretso itong naglakad na parang hindi narinig ang sinabi ko. Papalayo na ito kaya pasigaw ko itong tinatanong. "Ayaw mo ba?" sigaw ko. "Kung ang sinasabi mo ay ang pagtira ko sa bahay niyo, wala akong maisasagot sayo. At isa pa wala akong gamit na dala bukod sa suot ko ngayon." "Maaming damit sa bahay na magagamit mo. Ipapakuha ko na lang bukas kay Manong Ken ang iba mong gamit." sagot ko habang papalapit kay Laura. Napangiti ako ng bumalik ito at nauna pa na sumakay sa kotse ko. I feel satisfied dahil sa mabilis na tugon sa akin ni Laura. 'Di na ito nakipagtalo pa sa akin. “Manong Ken, sa mansyion na tayo." utos ko kay manong. "Opo, Sir Syd." tugon nito. Pagkatapos kong kausapin si Manong Ken ay binaling ko naman ang atensiyon ko kay Laura. Nakita ko na nakatingin din ito sa akin. "Kung may iba ka pang lakad, pwede na ko bumaba dito. Hindi mo kailangan ihatod pa ako." pataray na sabi nito. "I can change my schedule anytime and I'm telling you na pauwi na ako." Nakita ko na napatingin pa si Manong Ken sa front mirror. Ang totoo ay may lakad pa ako. Meron akong ime-meet sa isang club pero nang makita ko siya, hindi na mahalaga sa akin iyon dahil mas interesado akong makasama si Laura.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD