ERL WALTON’S Point of View Sa sasakyan, hindi ko mapigilan magtanong kay Ate Laura. Napaka rude ng ugali kung makapag salita kay Ate Laura para siyang walang respeto sa babae. "Sis-in-law, ‘yun ba talaga ang ex-boyfriend mo?" "Uhm! Yung nangyari kanina wag mo na sabihin sa Kuya mo." Baling na tugon sa akin. "Hindi ba alam ni Kuya na magkatrabaho ko ng ex mo?" Hindi sumagot si Ate Laura. "I think, dapat sabihin mo kay Kuya. Alam mo naman mabilis uminit ang ulo ‘nun. Kung magsisinungaling ka, malamang parang bulkan mayon ang galit ‘non." Pananakot ko. "Alam niya. Kilala niya si Gabby. Ayoko lang na sabihin mo, dahil mag-aalala pa iyon." "He's bullying you. Kapag nalaman ni Kuya na ginugulo ka pa din ng lalaking ‘yon, Kuya Syd will help you para paalisin siya sa university. Hindi ba m