LAURA’S Point of View Paalis na ko sa trabaho ng may taong tumatawag sa cellphone ko. Hindi naka phonebook ang number, pero may kutob na ako kung sino iyon. “Ano naman ang dahilan niya at tinatawagan ako?” Gustuhin ko man na iwasan siya, hindi na naman niya ako titigilan. Ang worse ipadampot pa ko sa mga tauhan niya. I answered the phone. "My dear daughter." Bungad niya. "Pumunta ka dito sa kompanya." "At bakit ko naman gagawin ‘yun?" Pabalang kong sagot. "You want to try my temper? Gusto mo magpadala pa ko ng tao para puntahan ka dyan sa eskwelahan at kaladkadin papunta dito?" Napakuyom ako sa kamay. Alam kong gagawin niya ang banta kaya I decided to go. "No answer means yes. Hindi ko inaasahan na magiging masunurin ka. I will not talk nonsense in front of you. May gusto lang ako sa