LAURA’S Point of View Napatingin ako sa lalaking nagsalita sa likuran ko. Hindi ko man lang napansin na nakalapit na pala siya sa tabi ko. “What’s happening here?” Tanong ni Syd at hinawakan ang balikat ko. Magsasalita sana ako, pero Hilda interrupted me at nauna pang nagsalita. “Syd, I’m sorry for what happen. Gusto ko lang sana kausapin si Laura, pero she acted like this. Tinulak pa ko sa fountain. You can also ask my mother dahil pati siya dinamay ng babaeng ‘yan.” Lahat ng kasinungalingan sinabi ni Hilda. Todo paawa effect din ito, pati na din ang kanyang nanay. Lumakad si Anabelle papunta sa tabi ni Hilda. Tinodo ang drama para kapani-paniwala. Paglapit sa kanyang anak, niyakap niya iyon at umiiyak na rin. “Laura, wala naman ginagawa sa iyo si Hilda. Bakit kailangan mo pa siyan