LAURA’S Point of View Napahanga ako sa effort kung paano ayusin ni Syd ang lahat. though alam ko na may mga inutusan lang itong mga tao. I'm so lucky and thankful because my dream came true. Nabigo man ang pangarap ko kay Gabby, mas doble naman ang kaligayahan ko na si Syd ang makakasama ko habang buhay. Hindi mawaglit sa mga labi ko ang saya na nararamdaman ko. Habang minemake-upan ako, si Alice naman ay todo titig sa akin. "Ang ganda mo, Frennie! Pwede ba ako na lang pakasalan mo?!" ngising asar nito sa akin. Napangiti na lang ako sa kanya habang pumipili ng damit na susuotin ko. Take note, ang mga damit na pinagpipilian ko ay mga pinatahi ni Syd para sa 'kin. Napili ko ang isang off shoulder na dress. Simple lang ito pero classy at maganda. Habang hawak-hawak ang susuotin kong dam

