SYD’S Point of View Naabutan ko si Laura sa tapat ng bar, pumara ng taxi. Tipsy na din pero pinipilit na kumilos ng maayos. Inakbayan ko at hinatak papuntang kotse. Naramdaman ko ang pagtingin niya sa akin ng pairap. "Let's go home." Ngiting sabi ko sa kanya. Pilit niyang inalis ang kamay sa balikat pero hinihigpitan ko iyon. "Ihatid mo na yung babaeng iyon. Mukhang interesado ka naman sa kanya." Natapilok siya kaya napahawak siya sa aking kamay na nasa kanyang balikat. Kumuha ng suporta upang hindi matumba. "I smell something fishy. I love the way you are jealous." Ngising pang-aasar ko. "Hindi ako nag-seselos." Pairap na sagot sa akin. "Come on. Humahaba na naman ang nguso mo, hahaha. Don't mind her, hindi ako interesado sa kanya." "Kaya pala gustong-gusto mo pinagsisilbihan ka