LAURA’S Point of View Nabigla ako sa nangyari. Ang atensyon ko ay nasa mahapdi kong balat na ramdam na ramdam ko ngayon. Napangiwi ako bago tumingin sa taong nagtapon sa akin ng mainit na tubig. Basang-basa ang damit ko, kaya naman pinunasan ko ito kaagad ng panyo para hindi na kumalat pa sa damit. Damit lang ito, pwede ko naman labhan kaya hindi na ako nag react pa sa ginawa ng babaeng kaharap ko ngayon. Tinignan ako nito na may malamig na mukha na para bang ako pa ang may kasalanan kung bakit ako natapunan. Hindi ko gusto ang tingin niya sa akin. "Oh, sorry intern. Hindi ko sinasadya." Ramdam ko naman na galing sa ilong ang pagsosorry niya. "Bakit mo naman ako tinapunan ng mainit na tubig?" kaswal na tanong ko. Mahinahon pa ako. "Anong ibig mong sabihin? Ngayon lang tayo nagkita. A