SYD’S Point of View Ito na ang huling araw ni Laura bilang lecturer sa kumpanya. In my view, Laura is restless. Kaya naman kina-hapunan, I invited her na mag tuloy-tuloy mag trabaho sa kumpanya. Pero ni reject niya ako. "Nagkasundo tayo na mag ta-trabaho ako sa company for 1 month at ipag luluto ka for 1 month. Ngayon...." napahinto ito bigla. "Kaya ba nagluto ka ng marami, kasi nag pa-paalam ka na naman?" Ngumiti lang siya sa akin at tumango. "Ang sama mo talaga sa akin." Binaba ko ang kutsara na hawak ko. Seryoso ko siyang tinignan. "Syd, I know you are a reliable businessman. Kaya alam ko na pag sinabi mo, ginagawa mo. Marunong ka sumunod sa usapan." "Anong gusto mo? Pumayag ako? Paano kung gusto ko kasama kita?" "Then, isa lang ang naiisip ko, lilipat na lang ako nang bahay."