SYD’S Point of View Bandang hapon ay nag-kayayaan ng umuwi ang mga ito. Sila Hans at ang pamilya nito kasama si Georgia ang unang nag-paalam. Ako na ang nag-estima sa kanila dahil nagpapadede si Laura. Si Maxx naman ay umalis na din dahil may kailangan pa siyang gawin sa bar. Si Alice naman ay nag-stay sa bahay ni Erl. Umalis naman si Howard at Amanda upang bibili ng regalo para kay baby Sly. Kung tutuusin ay hindi na kailangan ni Sly ng kahit ano mang materyal na bagay dahil lahat yun ay naibigay ko na. Ang gusto namin mag-asawa ay punuin ng pagmamahal ang anak namin. Ayaw din ni Laura na spoilin masyado ito lalo pa at lalaki. Nang mag-alisan na ang mga bisita ay pinuntahan ko na sa kwarto si Laura. Sa ngayon maliit pa ito ay gusto ni Laura na katabi ito kahit pa may sarili itong kwar

