WIFE? Hindi ba't pina-annul na niya ang kasal namin? Nang maalala ko iyon ay para akong napaso. Umilaw ang katotohanan sa isip ko na hindi na kami kagaya ng dati. Bigla akong kumalas sa pagkakayakap sa kanya at hindi nakaligtas sa paningin ko nang magsalubong ang kilay niya. Muntik ko na ring makalimutan. Kaya nga pala ako nandito sa Sorsogon, dahil ginusto kong lumayo para makalimot. Pero heto't mukhang balak na namang paglaruan ng tadhana ang damdamin ko. "I'm sorry. T-Thank you pala. Mabuti na lang at dumating ka. Kung hindi ay baka...Oh!." Hindi ko magawang ituloy ang sasabihin dahil isipin ko pa lang ang nangyari kanina ay gusto ko na namang panginigan ng katawan. S-Sige, aalis na ako." Binuhat ko ang laylayan ng gown ko para mabilis akong makalakad. Naka-ilang hakbang na ako para l

