REAGAN NAGISING ako sa kalagitnaang ng pagtulog. Isang masamang panaginip ang dahilan nang pagbangon ko mula sa kama namin ni Luna. Pawisan ako dahil parang totoong-totoo ang lahat. Si Agatha raw, muling bumalik at galit na galit. Tinutukan ng baril si Luna at nakalabit nito ang gatilyo kaya duguang humandusay sa sahig ang asawa ko. Parang totoong-totoo. Wala sa loob na nilinga ko si Luna sa tabi ko. Himbing ito at payapang natutulog. Umuwi na kami sa Maynila at narito kaming muli sa mansyon. Hindi ko napigilang haplusin ang pisngi niya at gusto ko pang magsisi dahil nagising ito. Bumangon at umupo sa tabi ko. "Babe, what's wrong? Bakit parang tensed ka?" nag-aalala nitong tanong sabay punas sa noo ko gamit ang palad niya. "N-Nothing, Sweetie. It's just a bad dream. Matulog ka na ulit

